Results 11 to 19 of 19
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 2,271
-
February 18th, 2014 07:30 PM #12
adjustment sa drum brakes ang usual cause nyan kahit isa lang ang hindi tama ang clearance. kapag naninikit habang ginagamit, hindi tama ang clearance. nageexpand kasi ang brake shoes as well as the brake fluid habang umiinit. marami rin cause nyan pero the usual is yung clearance. tska maari din mahina na return springs at hold down hardware. check mo rin kung may grooves na sa backing plate. maari din isa itong rason kung bakit nadedelay (double pump) ang application ng brakes
may parking brakes ba yan? kung meron, gumagana pa ba? usually, either parking brake adjuster or reverse travel adjuster ang adjustment ng brakes (auto adjuster)... except kung gaya pa ng mga sinaunang willys jeep ang adjustment nyan.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 179
February 20th, 2014 11:31 PM #13Baka nga sa maling adjustment, susubukan ko ulit iadjust ng parehas lahat ng gulong, baka kaya kailangan ko ipump kasi nauuna kumapit un 2 harap kesa sa likod. Un kanan sa rear medyo kailangan pa iadjust at un kaliwa naman wala talagang kapit. Wala nga din pala akong e-brake dahil kahit naka handbrake na dumudulas pa din ang gulong. Hindi kasi auto adjust ang rear nito.
-
February 22nd, 2014 11:05 PM #14
yung blend proportioning valve ng brakes ang nagcocontrol ng engagement ng front and rear brakes.
kung dumudulas kahit nakaengage parking brake e malamang nagstretch na yung cable ng parking brakes. macocorrect naman ito via sa adjustment ng cable para matanggal ang slack sa cable.
the only way na makuha mo ng tama ang correct clearance sa drum brake is via the parking brake (assuming the auto adjuster parts are functioning). dahil yung auto adjuster ay konektado sa parking brake. everytime na iengage mo ang parking brake is chinecheck nya kung tama ang clearance.
or isang method (quick remedy) kung talagang maluwag na parking brake cable e hila-hilain mo yung cable near the drum (in between hold down clamps). baka sakaling ma-actuate mo adjuster function. maririnig mo yung clicking sound neto (kelangan silent ang surroundings).
check mo rin rubber hoses mo baka lumulutong na. maari ding lumolobo ito kapag inaapply ang brakes.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Nov 2009
- Posts
- 3,503
February 23rd, 2014 12:19 AM #15Normally, nasa likod ang parking brake, kelangan mo i-adjust yung star wheel ng adjuster para sakto ang clearance ng lining sa drum at hindi dumulas kapag nag parking brake ka. Palitan mo na yung star wheel adjuster para maadjust mo ng maayos ang parking brake.
Nagbabawas ba ng fluid? Kulay kalawang ba ang brake reservoir mo? Kung oo, signs of wear yan, tsek mo mga cylinders for corrosion.
I-flush/ renew mo na rin ang brake fluid at baka may dumi, tubig, at hangin sa brake lines. Hindi dapat top-up lang ang brake sytem, dapat flush and renew dahil hygroscopic ang brake fluid big sabihin nangongolekta ng tubig sa hangin at katagalan syang sumisira sa brake system.. Tsek mo na rin rubber hoses kung malambot na at lumolobo.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 179
February 25th, 2014 12:23 AM #16Na adjust ko na ulit kanina un 2 harap na gulong. Un tipong medyo mahirap ng iikot ng kamay pero nakakaikot pa din. Pagka test drive ko pump ng isang halfway then tsaka kakagat pero malakas na ang brake. Kapag isang tapak lang umaabot ng konti sa floor pero meron kagat pero un tipong ang tapak lang ay bahagya sa pedal pero malapit na sa floor ang pedal.
Kulang pa ba ako sa adjust? Bago nga pala lahat ng wheel cylinder at brake shoes.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Nov 2009
- Posts
- 3,503
February 25th, 2014 10:05 AM #17Ganoon talaga ang tamang pag adjust, may konting resistance pero wag sobra at iinit ang gulong mo na para ka laging naka tapak sa preno. Na flush mo na ba ang brake system, yung palit lahat ng fluid? Kung oo, baka brake master sira nyan, try mo din palitan.
Tsek mo narin yung drums kung sobra lalim na.. mahirap ba tangalin ang drums, yun kelangan mo pa i-back-off ng lubusan para matanggal?
Paayos mo na rin yung rear parking adjuster para bawas na ang problema ng sasakyan.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2010
- Posts
- 86
February 25th, 2014 10:46 AM #18
-
February 25th, 2014 11:09 AM #19
ganyan ang tamang adjustment may kaunting resistance
pa-adjust mo na rin yun sa likod para ok na yan brake mo, kasi kpara sa akin medyo mahina pa rin yan
may ganyan akong sasakyan dati 4 wheel drum brake medyo hassle kasi parang every 3 or 4 months kailangan ko pa adjust yun brakes
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines