Sa pagkakaalam ko ni minsan di pa napalitan ang psf ng sasakyan ko. Nung isang araw nag-check ako level ng fluid, ok naman kulay nya at tama ang level. Saka parang okay naman steering ng sasakyan ko. Kung hayaan ko bang hindi palitan, ano kaya ang magiging epekto nito saking sasakyan. ang iba kasing naririnig ko, simula ng papalitan ang psf parang dun nagumpisa ang leak at sira ng vane pump. Tapos pag nagbasa ka ng procedure sa pagdrain at fill up ng psf parang napaka critical yata. Kaya eto nag-dadalawang isip ako kung papalitan ang psf. Salamat po sa kasagutan ninyo