New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 20 of 117 FirstFirst ... 101617181920212223243070 ... LastLast
Results 191 to 200 of 1163
  1. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    64
    #191
    Quote Originally Posted by allanroy
    eto ok lang naman. So far so ok na ok yung condition ng aircon ko. musta ride mo?
    Ayus lang. Sobra lamig ng A/C. Laking ginhawa sa engine un general cleaning mas magaan ang andar niya ngayon.

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    64
    #192
    Quote Originally Posted by rst619
    no biggie sana kung kaunti lang e. kaya lang pag nakita mo e mukang sampung kamay ung humawak e. Kulang na lang isipin mo dun talaga pinupu nas kamay e. You have a point na trustworthy si Mang Mario pero di ba mas maganda para sa kanya kung malinis magtrabaho mga tao niya? Natiyempo lang na luma ung Vanette pero kung ung CRV ko siguro e baka mag-alanganin akong patingnan.
    Ako metikuloso din pagdating sa auto. In fact nun nagpagawa ako nadumihan din naman ang dash, floor mats, saka body eh with fingerprints galore. Pero since nasatisfy naman ako sa pinagawa ko, in fact more than just satisfied, carry na un konting linis na ginawa ko pagdating sa bahay. Mas importante sakin un honest-to-goodness and quality service, at such a cheap price pa. Un iba malinis nga gumawa, pero palpak naman d b? Minsan nga sa sobrang linis pati valuables mo nawawala. Not to mention the cost.

    U mentioned kung ung CRV mo is baka mag-alanganin ka patingnan kay Mang Mario just because of this incident. Well I think it would be better talaga if sa casa mo na lng pacheck. Honda-wise they have their slogan that says, "Never open your hood to just anyone". I guess you could afford naman the cost of having it serviced sa casa. Sana nga lng un Honda casa na pinagpapagawaan mo hindi tulad ng Honda Cars Alabang. Pag nagkataon, malamang baka hindi lang "balahura" at "baboy" masabi mo kapag may nadiscover ka pagkakuha mo ng auto mo. Just my two cents lng po. Peace!

  3. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    200
    #193
    Pinaiwan pala ung vanette and pinabalikan ngaung hapon. so nag SM daw muna sila, pagbalik niya gawa na ung vanette pero in her own word "nababoy" daw ung sasakyan and "balahura" daw mga tao. pinakita niya sa akin mga fingerprint na may grasa and even ung dashboard madumi. Metikolosa pa naman un.
    dba nkita ng TIta mo yun mga grasa during the time na kinuha nya? pde mo nman palinis sa kanila on the spot. maybe nkalimutan nila yun, everybody can make mistakes naman.

    i agree with them. i am more on... "if the job was done perfectly" kasi yung dumi, mdali lang linisin/tanggalin. kahit ako or driver pde na maglinis, unlike yng problem ng A/C - d ganun kadali kaya nga tayo pumu-punta sa mga experts.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #194
    As posted naman dun sa unang-una (and probably long gone) Mario thread, his shop is not for the 'maarte' people or people who expect 'casa-like' treatent. They are a trustworthy shop that offers great work for a VERY reasonable price.. Ako nga mismo minsan mas madumi pa sa oto ko pagkagaling ko sa shop niya (maghapon ako nakabilad sa araw, walang maupuan, etc.).

    Sa tingin ko naman, sa natipid ng Tita mo compared to Casa or Rapide, she can now probably afford to have a full interior detailing at Big Bert's.

    Yung sa MB100 namin nung nagloko a/c, front and rear ang binaba. Sobrang dumi din after kasi baba ang buong dash as well as rear half ng ceiling. Pero laki naman talaga ng natipid and sure fire na hindi naloko. Mahigit Php 10K sa ibang shop, kalahati lang kina Mang Mar. Pinadetail na lang namin yung loob after, nagmukha pang bago ulit.

    I guess its just a matter of putting things in perspective.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,352
    #195
    just got back from mang mario. nagpageneral cleaning and replace ng ibang pipes sa evaporator 2 weeks ago. pero the day after wala ng lamig.

    so kanina, pinalitan evaporator ko, recharge freon and oil for a mere 2500 only! san ka pa!?! panalo ka talaga mang mario!

    naikwento ko sa kaniya na may pic na siya sa internet. galit na galit at kumausap daw siya ng abogado, dapat daw may talent fee siya! :bwahaha:
    Last edited by ssaloon; October 23rd, 2005 at 02:53 AM.

  6. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    460
    #196
    Quote Originally Posted by OTEP
    As posted naman dun sa unang-una (and probably long gone) Mario thread, his shop is not for the 'maarte' people or people who expect 'casa-like' treatent. They are a trustworthy shop that offers great work for a VERY reasonable price.. Ako nga mismo minsan mas madumi pa sa oto ko pagkagaling ko sa shop niya (maghapon ako nakabilad sa araw, walang maupuan, etc.).

    Sa tingin ko naman, sa natipid ng Tita mo compared to Casa or Rapide, she can now probably afford to have a full interior detailing at Big Bert's.

    Yung sa MB100 namin nung nagloko a/c, front and rear ang binaba. Sobrang dumi din after kasi baba ang buong dash as well as rear half ng ceiling. Pero laki naman talaga ng natipid and sure fire na hindi naloko. Mahigit Php 10K sa ibang shop, kalahati lang kina Mang Mar. Pinadetail na lang namin yung loob after, nagmukha pang bago ulit.

    I guess its just a matter of putting things in perspective.

    siguro nga hindi ko nabasa na hindi para sa "maarte" si mang Mario. I was basing my recommendation lang naman sa thread na ito kaya ko nai-recommend sa tita ko and I was just relating her experience. Wala namang masama dun diba? And hindi siguro lahat ng tao kagaya mo na ok lang maging "maging mas madumi pa sa oto". siguro nga trade off talaga ung convenience sa presyo nila.

  7. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    474
    #197
    rst619...d naman po sinasabing masama yung comment mo eh...they were just trying to justify why it is that way (na hindi ganoon kalinis) and why you should be looking on the positive side. They didn't want to get themselves, nor their vehicle dirty in the first place. Ganoon lang siguro talaga kse madami silang ginagawa that they don't notice nor intentionally put grease, oil or stain your seats or dashboards, so yes, maybe that's the trade-off but it really is hard to find a very reliable, trustworthy shop that offers reasonable prices for their services...so maybe, its ok for everyone who posted in this thread to get dirty, as long as it results to a job well done, and of course with a good price. =)

    peace!

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,457
    #198
    Usually naman talaga kapag kanyang klasing trabaho you should expect it to be all greasy and dirty afterwards. Kaya dapat may pondo ka din to have it cleaned.

    Otep/Ssalloon,
    Next time, text ninyo ako kung magpapagawa ulit kayo. My lola's house is just at the corner of that road (cor fort and iloilo st.). Magdala kayo ng mga twalya ninyo at doon na kayo maligo.

    Matagal ko na nadadaanan yang shop ni mang mario. Since grade 3 yata ako anjan na yan..hehe. They would'nt last in the industry naman siguro if they don't know what they do.

  9. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    922
    #199
    ok lang mababoy yung kotse mo ng dumi at grasa, malilinis mo naman yun after. wag lang mabababoy yung pitaka at tiwala mo. yun mahirap linisin yun. at may kasama pang sama ng loob nun.
    Last edited by morrissey_05; October 22nd, 2005 at 06:11 PM.

  10. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #200
    Quote Originally Posted by falken
    May nag post nga dito na nagpa estimate sa Rapide ( malinis na shop ito ) P20k yata ang estimate, nung pinaayos kay Mang Mario P500 lang ata ang siningil. . Peace
    sir falken, i did post that. ni hindi din nila alam kung ilang araw aayusin yung ride ko at kung ano problema. imagine, hindi nila alam kung ano problema ng aircon pero alam nila kung magkano cost..

    when my ride's aircon was cleaned/repaired that time by tatay mario and his hardworking son, masyadong masama ang panahon. the rain even poured in my leather seats and door sidings..pero no prob, kasi yung anak ni tatay mario naliligo na din sa ulan while working on my ride. naiwan din yung isang turnilyo ng glove compartment.
    siguro nga depende sa standards natin. ako din medyo metikoloso sa auto, lalo sa interior. but that didn't make me think twice in recommending tatay mario's shop. and i will surely go back to his shop for my aircon concerns.

    peace!

Aircon Repair: Mario Reyes