Results 3,271 to 3,280 of 3710
-
January 20th, 2016 09:51 PM #3271
-
January 20th, 2016 10:02 PM #3272
Bro how much and where is that?
What was the topspeed it reach before and after the dyno?
My crosswind is a 2003 xuv automatic and medyo nakakapanibago pag crv at accord v6 nadrive bago mo ulit nadrive yung crosswind pero I'm still happy with it's performance Kaya parin 140kph hehe
-
January 20th, 2016 10:25 PM #3273
Berrima ay sa Mandaluyong. Nasa 8K before yung tune up at Dyno test. Check mo nalang sa kanila kung mag kano ngayon. You may inquire kay Cris. Minsan meron silang promo kaya mas mura.
Hindi naman yung top speed at habol ko kung di yung response ng makina pag nag accelerate ka. Kasi nga makupad ang Crosswind sa arangkada so this improvement after the tune up helps alot. You can accelerate and reach yung top speed mo na walang hirap.
My rig is also fitted with devilsown so additional power sa kanya.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2015
- Posts
- 32
January 21st, 2016 08:06 PM #3274naku, yun pa pala nakalimutan ko sabihin sir, bago lahat sir ng filter, fuel, air pati sedimentor bago linis sir, tapos bago change oil din at bago valve clearance wala pa 1 month, bago transmission oil din (engine oil which I followed from this forum na bawal gear oil sa transmission) differential bago oil din pati bearing bago repack, mga ilalim din sir bago gawa lahat, yun nga problema ko ngayon sir, minsan napapasuko nako, kaya ko po kasi nararamdaman na parang abnormal ang problem na nararamdaman ko sa crosswind kasi sir, way back 2001, bumili din po kasi kami ng brand new hilander xtrm, as much as I know, same na same sila ng engine which is 4ja1, with aircon bumibirit ako dun up to 130 -140kph, without aircon up to 150kph pa nakukuha, pipigain ko na pedal todo todo, ganun lang din ginagawa namin sa maintenance nun, bale dala sa isuzu casa, valve clearance, change oil, ito kasi case ko sa crosswind sir grabe, sobra vibration na lalo na pag umiinit na makina, ramdam ko mula manubela hanggang sa pedal ng sasakyan, tapos pag mainit na mainit na, super lakas ng white smoke (pressure na lumalabas sa dipstick) pero wala naman oil, may mekaniko lang kasi na nagsabi sakin na may blowby na daw pero hindi pa as in grabe, ang pumasok agad sa isip ko, kung hahayaan ko lang ba ung problem na ganun or isa pa pumasok sa isip ko is baka naman kaya dahil sa injection pump kaya hirap ang makina sa pagburn din ng fuel communicating to injection pump, at sabi din kasi ng nagcacalibrate, sealed pa daw talaga ang injection pump, as in hindi pa daw nagalaw magmula nung brand new which is year 2003, yun pa nga isa pa palaisipan sakin nyan kung dinaya ba mileage or what pero sa itsura kasi ng sasakyan sir, sa interior palang, ok na ok naman at wala man nga punit ang leather although ung seatbelt nya as in loose na na hindi na nagspringback, sa paint naman, hindi ko sure kung napinturahan na, pero may nagsabi nasagi daw sa likod ito kaya may konti discoloration, iniisip ko naman, baka kaya nagkaroon ng blowby na sinasabi ng mekaniko is baka lack of maintenance ang dating mayari kasi grabe air filter nito nung pinalitan namin last month tapos maluwag clearance nung inadjust clearance, as in parang napabayaan pero isa pang pagtatakan ko, buhay pa ung gulong na year 2003-2004 michelin tires nya, hindi ko maisip kung nakaibang mags din ung crosswind, parang buynsell kasi ang nabilhan namin kaya walang gaano alam sa history ng sasakyan, kaya yan nagiging problem ko, isa pa nga actually problem ko sa crosswind, pag umiinit na o matagal na umaandar ang sasakyan, lalo na pag nakaaircon, bumibigat ang manubela, pinaoverhaul ko din steering pump pero wala parin pagbabago pero pag bago start at hindi man nagaircon malambot, pag din tumagal kahit hindi nakaaircon bibigat ang manubela, sobra complicated ang nangyayari sakin ngayon sa crosswind, napakahirap pa naman din makahanap ng maayos at magaling na mekaniko o expert dito sa lugar namin, kung casa naman wala din kasiguraduhan baka mapasubo at magastusan lang kami ng todo todo, apat ang problem ko sa crosswind now, engine, injection pump, steering at ung isa pa pala ung welya nya, parang malambot na kasi pag kinargahan o napuno lang kami sa sasakyan, bagsak na likuran, sagad na agad sa stopper, hindi ko rin alam kung palitan ba buo welya lift spring o pwede isa isa welya palitan, bago na daw kasi gamit ng mga crosswind ngayon na flex ride daw ang lift spring.. :-(
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2015
- Posts
- 32
January 21st, 2016 08:11 PM #3275ah I see, yun pala italian tune up hehehe, oo nga sir, sinasagad ko sa clark ito kaso kinakapos nako ng daan, nakukuha ko 110 to 120 lang talaga without aircon pa, pag nakaaircon mahirap na makuha ang 110kph
ewan ko, nawawalan ako ng gana sa nangyayari, hindi ko na alam kung saan ko pa uumpisahan, na35k na ako actually kasi pagkabili ko, binalik ko sa standard settings lahat, like ung transmission pinalitan ko ng oil which is engine oil dapat, change oil, filters palit lahat, pangilalim, linis aircon narin, bearings pati transmission palit lahat pressure plate, lining, pilot at release kaya nagtataka ako kung bakit bagal parin umarangkada
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2015
- Posts
- 16
January 22nd, 2016 11:04 AM #3276
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Dec 2015
- Posts
- 32
January 22nd, 2016 12:04 PM #3277mekaniko lang sir nagpaadjust ako, sa casa alam ko nagaadjust din sila, dko lang alam kung magkano na ngayon, dati kasi ung hilander namin, brand new namin binili un e, sinasabi lang namin na patuneup, aadjust na nila nun sabay change oil na.. hindi kolang matandaan kung kasama sa bill ung pagadjust, pero binibigyan namin ung gumagawa para happy sila sa pagayos ng oto
ewan kolang kung sinasama pa sa bill un sa casa.. kasi madali naman nila gawin un, need lang ng silicone kung wala sa casa. kasi baka ung silicone pabayad pag ganun, pero ewan ko lang ngayon if paano na patakaran sa pagadjust ng clearance
-
January 22nd, 2016 01:59 PM #3278
1. compression test
2. fuel tank inspection/cleaning
3. subukan mo yung liquimoly diesel purge. kung ayaw pa rin proceed to #4.
4. fuel injection pump calibration (subukan mo si berrima. mahal pero you get what you pay for). yung sa mga injection pump shops kasi na iba e simpleng reseal and calibration lang ang gagawin. unlike si berrima na idadyno test para makita ang difference. yun ang talagang matatawag na tuning.
wag nyo parating ibirit ang crosswind nyo beyond 100 kmh. unstable kasi mga crosswind at those speeds. masyado malaro ang suspension nya unlike innova na feeling mo e kapit na kapit sa daan. well, for safety lang. gawin mo na lang agresibo ang arangkada. say 2.5k - 3k rpm bago magshift to higher gears.
nagpalit ng clutch? di naman kaya dahil dito? baka hindi parehas sa oem ang kapit ng aftermarket na naikabit. anong brand ba? tsaka masyado maaga ang 100k km odometer para sa clutch replacement. unless kung kargador yan dati sa bulubundukin.
maari ngang hindi naalagaan sa dating mayari nyan. maaring injection pump ang problema. maaring may restriction (or butas) sa may suction pipe ng fuel tank. pero pacompression test ka muna. yan ang simula mo.
tsaka sir, request lang. pwede bang paghiwalayin yung sulat nyo dito. naduduling kasi ako sa pagbabasa. hehe
-
January 22nd, 2016 08:48 PM #3279
-
January 22nd, 2016 09:57 PM #3280
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines