New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 322 of 371 FirstFirst ... 222272312318319320321322323324325326332 ... LastLast
Results 3,211 to 3,220 of 3710
  1. Join Date
    Dec 2015
    Posts
    32
    #3211
    Quote Originally Posted by anthon05 View Post
    If I remember right minsan sinagad ko Rev , ginawa ko ito pag gusto ko ilabas mga carbon parang hindi umaabot ng 4500.Anyway if i do that again i will check. sa expressway kasi may speed limit kaya hindi ko siya sinasagad hanggang 100 km/hr lang speed ko. huwag ka masyadong mag expect ng quick response and speed , mabagal lang talaga ang crosswind.
    siguro puede mo pa check sa mahusay na calibration shop kung may mali sa adjustment or better kung puede sa Casa para
    mabalik sa original settings kung hindi nga tama.

    ako kasi ayaw ko pagalaw yang part na yan ng crosswind ko. nabili ko rin crosswind ko nung 2008 ng 2nd hand crosswind ko nung una hirap siya sa akyatan at feeling ko may kulang sa power, ginawa ko lang tyaga lang kapapalit ng mga filters

    pati sedimentor pinalinis ko , nung nilinis may mga lumot na. kung hindi mo pa napalinis yung sedimentor , try mo muna palinis.

    and advice din since manual yan check mo clutch master and clutch operating system. lalo na yung clutch operating

    pag nasira seals niyan tirik ka na. yan ang usually hindi pinapansin kasi bihira masira at matagal, pero sa mga 5 years and

    older, malamang anytime na yan.
    Sir may napuntahan na po akong mekaniko at nadjust at nilinis ang cable, pinataas ko rn pedal ng rev, ayun nakuha ko na ung 4500 rpm, kasi daw natuyo cable nilagyan ng wd40 at oil, tapos inadjust ung cable sa makina at mismong pedal sa loob, ngayon nagmprove na at very easy ko na maachieve ang 110 na speed at gustong gusto pa bumilis, nabibitin kang dahil dami traffic light at hindi pa expressway ang daan, ang problem ko nalang po if tama po kaya ang adjustment o napasobra, if magkatime po sana kayo, parev po ng todo ang crosswind nyo (not running po) and para matiyak ko if talagang 4500 lang max rpm todo (not running po sana) para if kunyari ang nakukuha nyo po na max rpm, gayahin ko nalang po, either ipataas ko pa adjustmenf maybe up to 5000 rpm or more para din back to standard po ako, sabi kasi ng mekaniko ko parang sa katagalan kaya daw bumaba ng pedal ko at tama kayo grabe ng cable, nung tinanggal sya ni ayaw humiwalay sa rubber cover, nilagyan ng wd40 at oil grabe ganda ng hatak :-) siya nga pala sir, sa clutch pala, ung secondary po ung pinalitan ko recently kasi may leak daw po dun, un po ba ang sinasabi niyo sa clutch operating system?

  2. Join Date
    Dec 2015
    Posts
    32
    #3212
    and to all crosswind owners narin po specially sa mga non turbo 4ja1 ang engine at manual transmission, badly need your help po, gusto ko po sana malaman kung ano ang max rpm niyo na nakukuha pag tinodo niyo ang rev nyo (not running po ah) hindi po umaandar ang sasakyan, bale todo rev nyo lang po sana yung sasakyan, para sana magkaidea po ako sa standard na adjustment ng max na rpm ng crosswind kasi nagkakaproblem po ako sa rev pedal ko, todo tapak nako nabababaan parin ako sa nakukuha kong max rpm at nangangalay po ako, baka kasi bumaba ang adjustment ng rev / gas pedal ko kaya ganun, sana po matulungan nyo ako, bale ganito lang po, if may time po sana kayo, just start the engine, have the transmission into neutral and todo nyo lang po ung tapak sa rev, then pakitingnan lang po sana kung ano ang nakukuha nyo na max rpm like 4 or 4.5 or 5 or 5.5 or 6 na max.. take note (yung red na max rpm starting po sya sa 4.6 onwards.) It would be really a lot of help po kasi papaadjust ko na po ulit ang sasakyan asap.. thanks po in advance sa tutulong...

    BY THE WAY, PLEASE TAKE NOTE: WAG NIYO PO SANANG GAGAWIN ITO KAPAG HINDI PA MAINIT ANG ENGINE NG CROSSWIND NIYO.. NAKITA KO LANG PO SA IBANG FORUM, DAPAT NAPAWARM UP NA PO ANG ENGINE BAKA KASI MALAMIG PA MAKINA AT TINODO NIYO ANG REV, WALA PA OIL NA UMIIKOT SA ENGINE..

  3. Join Date
    Jul 2015
    Posts
    198
    #3213
    JDCMAX 4.5k na pala max rev mo due to cable adjustment.be contented na Jan haha beyond that engine speed will lead your engine to self destruction.saka do not max rev your engine very often that hobby will shorten your engine life.baka next post mo dito questions about kung magkano pa overhaul.

  4. Join Date
    Sep 2015
    Posts
    41
    #3214
    Quote Originally Posted by rey752 View Post
    JDCMAX 4.5k na pala max rev mo due to cable adjustment.be contented na Jan haha beyond that engine speed will lead your engine to self destruction.saka do not max rev your engine very often that hobby will shorten your engine life.baka next post mo dito questions about kung magkano pa overhaul.
    anong safe range ng rev po ba sir?? ako kasi nasa 1.5k pa lang yata lipat na agad. nakaka 3k lang ako pag nasa expressway na at nasa 5th gear na. mababa po ba ang 1.5k para ilipat agad sya ng gear??

  5. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    19
    #3215
    Tanong lang mga ka tsikot.

    May problema kase si sporty may naririnig akong maingay sa gawing likod. ang tunog parang ngeng ngeng ngeng ngeng pag tumatakbo na o pagka pabagal ka na. Mas malakas pag mas mabilis ang takbo. Pinapalitan ko na bearing sa likod, nagpalit ng gear oil and transmission oil pero nandun pa rin tunog. Pina-angat ko rin sa gas station para pakinggan pero wala ako narining. Hingi lang ako advice sa inyo kung san kaya problema.

    2008 manual nga pala si sporty.

    Salamat sa mga sasagot.

  6. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #3216
    Quote Originally Posted by pulilanboy View Post
    Tanong lang mga ka tsikot.

    ...... ang tunog parang ngeng ngeng ngeng ngeng pag tumatakbo na o pagka pabagal ka na.
    nahihirapan ako iproseso yung tunog. hehhe

    worst case scenario e pinion bearing or differential side bearing. kung hindi yung axle bearing ha.

    ano pitch nung tunog? high or low? mas mabilis ikot ng pinion kesa ring gear (carrier).

  7. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    19
    #3217
    Nde ko na record eh. Hehehe.

    Low sound. Naririnig ko rin kahit naka neutral at coasting.


    Sent from my iPhone using Tapatalk

  8. Join Date
    Jan 2014
    Posts
    2,611
    #3218
    Quote Originally Posted by rey752 View Post
    Sir JDCMAX ano ba unit mo a/t or m/t? Kase dati meron kaming 2003 crosswind xuvi a/t(with oem headrest monitor),if so Hindi mo sya dapat pinipilit ihataw kase Hindi talaga mabilis yan.baka bumigay transmission and makina mo.
    Depende lang yan sa driver hehehe.
    2003 xuv a/t saakin it loses steam at 120kph pero pag umabot ng 150kphg dont expect 100kph handling =)

  9. Join Date
    Jul 2015
    Posts
    198
    #3219
    Oh sige na nga sir Crosswind, haha naalala ko onetime nag family outing kami convoy of 9 vehicles kami(GS,SG,2 Innova's,Pajero,APV,Livina,Avanza and yung crosswind)papuntang Batangas,pag nasa SLEX and Startoll Way na dahilan ng pag menor ung Crosswind,laging nag text kung nasan na kayo :-D Pero gaya ng sinabi mo nasa driver kase ung driver ng 8 kami na mag pipinsan bata bata pa (age range nasa 19yrs old-26yrs old)kaya baka mainit pa sa gas pedal ung crosswind kase nasa 50yrs old na ung nag drive.Pero sa city traffic ewan ko kung bakit naiiwan kami ng crosswind parang ang daling masingit.

  10. Join Date
    Dec 2015
    Posts
    30
    #3220
    Mga sir/maam. New member po ako. Help po sa price ng parts for my 2nd hand 2009 sportivo. Pakilagay na rin kung saan store. Maraming salamat.
    1. Upper ball joint
    2. Lower ball joint
    3. Break pads
    4. Alternator belt
    5. Aircon belt
    6. Tie rod end
    7. Idler arm
    8. Center link

    500k ko nakuha si tivok kaso may pagawain. Parts 1.2.3. sa taas palitin na talaga. 4 at 5 medyo loose na. 6 7 at 8. Parang ok pa namn trip lng yta isama ng mechanico siguro may reason siya. 3500 daw service niya pag parts 1 to 5 ang palitan. Kung lahat 6500 daw.

Isuzu Crosswind Owners Thread [continued]