personally... ok sakin ban mga delikado sa kalye...

wangwang - dahil madami umaastang vip kawawa naman emergency vehicles. hindi na tuloy minsan pinapansin
blinker - ganun din sa blinker. pero nagtataka ako bakit pati mga pulis vehicles tinangalan na nila ng wangwang at blinker?
tinted plates - bawal talaga yan.. dahil dapat malinaw at kitang kita ang plate number
tilted plates - hindi kasi makita ang plate ng mabuti

pero bakit po kailangan ipagbawal ang iba?

chrome rims - ang baba nito and hindi naman ganun ka nakakareflect ng ilaw.. never pako nasilaw sa chrome rims
tambucho - daming klaseng tambucho. may jasma at kung ano ano pang performance ngunit tahimik naman. meron din tambucho na malaki/stock pero maingay dahil sira. magiging kotongan lang yan pag hindi tayo naka stock
hid/fogs.. pasensya na sa mga ayaw sa hid. pero ako ay pro-hid dahil sa dilim ng kalye natin at madaming sasakyan naka stock hid(even without projectors)... fog.. sana huliin nalang ang foglights kapag naka on sa hindi naman foggy na area. madami po saatin palagi ay nasa tagaytay pag weekends or nasa baguio paminsan.. mahirap naman po tangal kabit ng fogs twing aakyat..
lowered - problema na ng may ari yan pag sayad siya ng sayad.
dirty vehicles - problema na ng mayari siguro yan... makikilala parin naman ang kotse kahit madumi at maalikabok... kahit kulay nito ay makikita din naman.. hindi lang siguro makikita kung makapal na ang putik
clear plate cover - neat naman tignan platecovers as long as we keep them clean and transparent
dark tints - init po sa pinas and delikado pag gabi. lalo na pag babae nagmamaneho and kita na nagiisa lang tao sa loob.

well sa hid maaaring... gusto ko lang kasi talaga ng hid.. hehe
pero sa iba... kontra po talaga ako na ipagbawal...
madami sa mga yan... magulo kung pwede o bawal. mangyayari lang is magiging lugar yan ng kutongan
madami pa tayo pwede ayusin sa kalye. tulad ng mga kuliglig.. mga taga maynila nakakaalam nito.. wala yata kuliglig sa ibang lugar eh.. madami nito sa divisoria.. mga giant pedicabs na may motor... walang lisensya.. pero mas malaki pa minsan sa mga kotse and puros counterflow pa sa kalye..