Results 1 to 10 of 36
-
FrankDrebin GuestNovember 24th, 2005 12:02 PM #1
Got this from my mailbox
UltraelectromagneticJAM
Sa November 29, sa UP Theater, iho-hold ang album launch ng
Ultraelectromagneticjam, ang Eraserheads tribute album na pinroduce ng Jam
88.3 in coordination with Sony and BMG.
Matagal na akong naghihintay na magkaroon ng tribute album para sa
Eraserheads dahil ang laki talaga ng naging contribution nila sa OPM.
Pero
habang nakikita ko ang lineup ng artists at ang kanilang mga kakantahin,
nadidismaya ako. Ang magic ng Eraserheads ay ginawa nilang popular ang
alternative na tunog. E bakit naman pinuno ng mga pop artists na pakyut ang
tribute album na ito?
LOOKS GOOD
Syempre meron namang redeeming qualities ang album na
ito:
Alkohol ng Radioactive Sago Project - astig ito. Can't wait hearing Lourd De
Veyra's monotonous poetry and improvisation mixing with the Lemon - Marcus
composition.
Spoliarium ng Imago - bagay na bagay, with Aia de Leon's ethereal voice.
Maling Akala ng Brownman Revival - siyempre narinig na naman natin ito at
alam natin na ok na ok. Bago pa man ito nirelease na single, napaindak na
ako sa kantang ito sa UP Fair noong 2004.
Superproxy ni FrancisM - sana remix version, at hindi full band, para mas
kaiba. Kung magbabanda man, sana kasing-astig nung mga panahon na sina Noel
Mendez pa yung kasama ni FrancisM sa tugtog.
Huwag Kang Matakot ng Orange ang Lemons - sa wakas, may kantang galing sa
Natin99. Perfect fit pa ang banda sa kanta.
Tikman ang Langit ng Sugarfree - kumain tuloy ako sa Burger Machine nung
isang araw.
Ang Huling El Bimbo ni Rico J. Puno - hands down, kahit di ko pa narinig,
tiyak na the best single in this album. Kung sino man nakaisip nito, henyo
ka!!!
LOOKS HO-HUM
Overdrive ni Barbie Alamalbis - teka, promotional effort ba ito ng Warner
Music para sumikat ang kanilang stable of artists?
Pare Ko ng Sponge Cola - ok lang. Hindi bagay yung kanta sa kakanta.
Huwag Mo Nang Itanong ng MYMP - para ka lang nag-request sa kahit anong
banda sa Padi's Point pag ganito. Ok lang siguro...
Torpedo ni Isha - ah...sino ito?
LOOKS BAD
With a Smile ng South Border - anong nangyayari pag finufuse ang isang
classic love song ng isang classic na Pinoy rock band at isang R&B band?
Just think of 214 as revived by Luke Mijares. Oh, Lord, why oh why?!!!
Magasin ni Paolo Santos - siyet, ok naman si Paolo santos wag lang sa
kantang ito. Parang hindi ko kakayaning seryosohin.
Alapaap ng 6CycleMind - no comment.
Ligaya ni Kitchie Nadal - para kang nakikinig ng Ligayang kinakanta habang
nauubusan ng hininga.
WON'T EVEN TOUCH WITH A TEN FOOT POLE
Hard To Believe ng Cueshe - ******-ina. Ang taong nag-isip na maglagay ng
mapopormang pakyut na poseur na rock band kuno na show band naman talaga na
hindi marunong tumugtog sa isang Eraserheads tribute ay hindi nakakaintindi
kung ano ang ibig sabihin ng musika ng Eraserheads.
-
-
-
November 24th, 2005 12:31 PM #4
ill buy that or download it perhaps, fan ako ng songs ng eheads at andrew e, yan ang jologs side ko, hehehe
-
November 24th, 2005 06:22 PM #5Ligaya ni Kitchie Nadal - para kang nakikinig ng Ligayang kinakanta habang
nauubusan ng hininga.
WON'T EVEN TOUCH WITH A TEN FOOT POLE
Hard To Believe ng Cueshe - ******-ina. Ang taong nag-isip na maglagay ng
mapopormang pakyut na poseur na rock band kuno na show band naman talaga na
hindi marunong tumugtog sa isang Eraserheads tribute ay hindi nakakaintindi
kung ano ang ibig sabihin ng musika ng Eraserheads.
-
couch potato
- Join Date
- May 2005
- Posts
- 1,384
November 24th, 2005 06:37 PM #6.. i miss the old eheads .. naalala ko pa sila tumutugtog sa UP nung hindi pa sila sikat ..
-
November 24th, 2005 06:43 PM #7
wow tribute sa eraserheads.....okay yan....
pag-nagkakaraoke nga kami, ako lang ang kumakanta ng mga e-heads na music.....hehehee
kaya lang muka ngang di bagay yung ibang artist para don sa kanta....
pero malamang eh bibili pa rin ako ng cd nyan.....
-
November 24th, 2005 06:47 PM #8Ang Huling El Bimbo ni Rico J. Puno - hands down, kahit di ko pa narinig,
tiyak na the best single in this album. Kung sino man nakaisip nito, henyo
ka!!!
-
couch potato
- Join Date
- May 2005
- Posts
- 1,384
November 24th, 2005 07:25 PM #9sana may "Tindahan ni Aling Nena" .. my all time favorite ehead song ..
-
November 24th, 2005 08:01 PM #10
nice.. mukhang worth looking into. mejo out of place nga lang ung mga showband types.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines