Nung unang labas ng Ipad 2 sa US, April, nasa Vegas ako. Pila talaga ng madaling-araw sa lamig makakuha lang ng unit. May mga kasama ako nag-try pero wala naman nakuha. Pinakamalapit yung isa na pangalawa dun sa cutoff. Nae-enganyo na nga sana ako bumili dahil nag-check ako ng gray market price dito mga +/- P30k pa for 16G+Wifi. as against around P23-24k doon. Di naman ako mahilig sa Apple products pero I was thinking lang it was an opportunity to get one at a relatively low price, tapos bragging rights pa rito na nauna ka. Well, nakauwi ako at di rin nakakuha.

Before June, it was out in the market na, albeit limited pa sa umpisa, at almost the same price had I got one in the US. Sa Ipad pa lang 'yan. Dami ko na rin nabili at bibilhin sana doon na pagdating dito, pareho lang or mas mura pa locally. Then you have the advantage pa or at least store warranty.