Quote Originally Posted by boybi View Post
Sobra naman technical mga yan, hehe.

Also, different ISPs yung 2 internet connections ko. Globe and PLDT.

Pwede ba ako mag dual wan router nalang? Pano ko magagamit yung pagka-static IP ng Globe for my CCTV?
Di nyo kailangan ng 2 ISPs. 1 will do (I'm basing my answer on your previous posts ah). Pero kung makulit kayo hehehehe at gusto nyo 2 ISPs ang kailangan ninyo ay VPN pa rin. Pero kung gusto ninyo ng economical na setup pwede ninyong itry ito:

Home network <- wireless connection -> wireless repeater(s) <-> Office network <-> wireless router <-> ISP modem

Home network - series of computers na naka wireless sa bahay ninyo. Sa loob ng bahay ninyo may series of wireless repeaters(number of repeaters will depend kung gaano kayo kalayo sa Office).

Office network - series of computers (including the cam) na naka wireless connection papuntang wireless router. Wireless router naka connect sa ISP Modem na iyong ISP modem naka connect syempre sa Internet.


Pinadali pa lalo.

Legend:

1.) |Put place here| - kung saan iyong location. Isipin nyo sa isang paper naka drawing box (kaya mayrong vertical lines left to right) then sa loob ng "box" iyong location.

2.) ~~ - ibig sabihin nito iyong place or iyong device connected in one end to another.

|Bahay| ~~ wireless connected ~~ |wireless repeater (s)| ~~ |Opisina| ~~ mixture of wireless and wired (I'm assuming may mga naka kable ka pa basta importante iyong mga devices mo sa office at the end nakakabit sa wireless router) ~~ wireless router ~~ ISP Modem


Sa setup na yan, basically iisa lang ang network ninyo. Pinalaki nyo lang ang wireless capacity ninyo through the use of wireless repeaters. Wireless repeaters will amplify the signal of your current wireless router located at your office to your home. So basically pag na amplify niyo iyong signal (amplify - napalakas ninyo iyong signal) eh di si Home/bahay makikita na niya kung ano iyong meron sa office. :D