Electrical/ Alternator problem?
My car is a Toyota Corolla Big Body '95 XE.. Namamatayan po ako sa kalagitnaan ng pagddrive ko.. Napaka-unusual dahil minsan, pag namamatay, wala lahat ng ilaw sa gauge nya.. minsan naman, namamatay pero may ilaw pa lahat.. ang problema, minsan hindi ko mapa-start, kaylangan pa magantay ng ilang minutes (aprox. 3-5 mins.) bago sya mapa-start ulit.. at minsan naman napapastart kaagad.. Please help naman po kung anong problema nito. Electricals? Alternator? or may iba pa bang dapat patignan? :(
Re: Electrical/ Alternator problem?
Linisan mo ung battery terminal, kung isa lang ang grounding mo (battery to body) try mo dagdagan, ung mga relays baklas linis terminal tapos balik (pa-isa isa lang para nde maghalo halo).
Sent from my GT-N5110 using Tsikot Car Forums mobile app
Re: Electrical/ Alternator problem?
Quote:
Originally Posted by
Manilablock
Linisan mo ung battery terminal, kung isa lang ang grounding mo (battery to body) try mo dagdagan, ung mga relays baklas linis terminal tapos balik (pa-isa isa lang para nde maghalo halo).
Sent from my GT-N5110 using Tsikot Car Forums mobile app
thankyou sa reply sir.. meron po ba kayo or anyone here na may mga corolla 95 xe? need ko po sana ng picture nung naka-drawing sa ibabaw ng box.. burado na po kasi ung sakin.. salamat po mga sir..
Re: Electrical/ Alternator problem?
Kung namamatay after driving for some time, check the ignition coil. Usually walang problema pag dinala mo sa talyer coz malamig pa. Ganyan problema sa corolla 91 ko dati. Next time mamatay ang makina check mo kung mainit ang ignition coil.
Re: Electrical/ Alternator problem?
Eto ang lumabas sa gauge ko nung nagkaalternator problem ako. Battery and fuel filter ang nakasindi.
http://i904.photobucket.com/albums/a...pse5c237b7.jpg
#Retzing
Re: Electrical/ Alternator problem?
san banda yung ignition coil? ganito din problema ng small body ko bigla na lang namamatay minsan kahit di pa ko nakakalayo namamatay na agad makina pero madali naman mag start uli, sorry ts sa pag hijack ng thread mo, tia!
Re: Electrical/ Alternator problem?
Pwede ma isolate kung overheated na ignition coil ang problem. Patayin makina at basain ng konti tubig yun basahan. Ibalot basahan sa casing ng ignition coil. iwasan mabasa ang 2 terminal for 2 minutes o mahigit. Absorb ng basahan yun init ng ignition coil para lumamig. Basta medyo lumamig na ignition coil ay start mo uli. Kapag mas matagal bago mag tumigil uli ang engine ay pasirang ignition coil nga ang dapat palitan ng bago.
Re: Electrical/ Alternator problem?
thanks sa lahat ng reply mga paps.. susundin ko lahat ng turo nyo.. really a big help! thanks alot!!
Re: Electrical/ Alternator problem?
Yes effective yung babalutin ng basang tela ang ignition coIl. Btw sa small body corolaa nasa side sya ng driver malapit sa fuse box
Sent from my iPad using Tapatalk