A/C Compressor for Honda City 2003
Mga sirs, magkano po ba presyo ng aircon compressor for Honda City 03 sa labas ng casa. Genuine replacement po. Sobrang mahal kase sa casa. Kailangan ko pa cash pang tuition ng anak ko, sayang kung don lahat sa A/C pupunta yung pera...Thanks for any info. At san yun pwede makakuha...
Re: A/C Compressor for Honda City 2003
bakit di mo muna subukan pa-repair compressor mo? it would be a lot cheaper.
Re: A/C Compressor for Honda City 2003
Quote:
Originally Posted by
keithdb
bakit di mo muna subukan pa-repair compressor mo? it would be a lot cheaper.
Actually yung defect sa compressor ko ay... na putol ung shaft na doon naka kabit ung magnetic clutch. kaya na lalag ang clutch. buti na lang hindi na iwan sa daan at na recover ko pa. Pero ung lock nut ay nawala na. Pwede pa ba yun e repair? Hindi ba hermitically sealed ang aircon compressor ng mga sasakyan tulad ng sa mga home aircon? Just ask lang kase not so familiar with the construction.
Re: A/C Compressor for Honda City 2003
surplus boss gusto nyo? mura na ok pa..kaya nasira ang shaft nun ay nag stuck up comp nyo..maaring defective valave,high pressure or baradong linya o condenser..pa check nyo mabuti..
Re: A/C Compressor for Honda City 2003
saan ka ba? sa cvite sa may imus sa sofia doon ako nakabili ng surplus na compressor 2 years na ok pa rin, kung pasay sa evanelista or gusto mo banawe
Re: A/C Compressor for Honda City 2003
magkano sir presyo ng surplus? para may idea lang po. thanks
Re: A/C Compressor for Honda City 2003
Quote:
Originally Posted by
gorionikoy
surplus boss gusto nyo? mura na ok pa..kaya nasira ang shaft nun ay nag stuck up comp nyo..maaring defective valave,high pressure or baradong linya o condenser..pa check nyo mabuti..
Sir, assuming na ito ang ang cause ng pakasira, ano ang possible symptoms or indication nito bago bumigay ang shaft nya. thanks for info.
Re: A/C Compressor for Honda City 2003
Quote:
Originally Posted by
restituto
Mga sirs, magkano po ba presyo ng aircon compressor for Honda City 03 sa labas ng casa. Genuine replacement po. Sobrang mahal kase sa casa. Kailangan ko pa cash pang tuition ng anak ko, sayang kung don lahat sa A/C pupunta yung pera...Thanks for any info. At san yun pwede makakuha...
Brand new replacement compressor costs about 13k.
Other concerns would be the evaporator at 5k, valve at 1500, and drier at 1300..can be bought at any reputable car aircon parts supply.
Re: A/C Compressor for Honda City 2003
Quote:
Originally Posted by
restituto
Sir, assuming na ito ang ang cause ng pakasira, ano ang possible symptoms or indication nito bago bumigay ang shaft nya. thanks for info.
kadalasan ay bumibigay nalang bigla..maliban sa hirap ang makina...napatakbo ba ng mabilis hataw na nakabukas a/c?kadalasan sa honda ganyan..paghinataw at nakabukas ang comp eh napuputol shaft o worse ay sumasabog o nabibiyak comp..ganyan kasi findings namin ng nasa aves pa ako.kung ok lang sau check natin..malapit lang ako sa banawe..tnx
Re: A/C Compressor for Honda City 2003
bro, sanden TRS model ng compressor ng city 12k yan orig na yon sa store ka bibili wag sa shop with parts siguradong my patong sila. plus materials and other parts na kailangan palitan like filter drier and service fee malamang umabot yan 15k..