nahuli ako sa epass lane...pls help me!
mga bossing...ask ko lang kung magkano ang tubos ng license pag nahuli ka sa epass lane? nahuli kasi ako kanina sa filinvest, muntinlupa city hindi kasi ako pamilyar sa lugar. tapos sabi nung humuli sa akin sa lipa, batangas ko daw tutubusin. haay grabeng purwisyo! baka may alam po kayo mga bossing para may idea ako pag punta ko sa lto batangas nextweek. thanks!
Re: nahuli ako sa epass lane...pls help me!
Bakit ka huhuliin e nagkamali ka lang ng pasok? ang alam ko niyan pag nasa e-pass lane ka patatabihin ka ng guard (para di ka makaistorbo sa mga nakasunod) tapos mag babayad ka sa cashier. Baka may iba ka pang violation at ang humuli sa iyo ay LTO flying squad ng Batangas. Pero teka di na sakop ng LTO batangas ang Filinvest ang sakop lang nila ay Region 4.
Re: nahuli ako sa epass lane...pls help me!
wala naman akong ibang violation sir... pag abot ko ng card dun sa toll kinuha nung babae yung card at bayad ko tapos tinawag yung guard sabi pang epass lang daw yun tapos kinuha na yung license ko ng guard tapos binigay dun sa highway patrol madami kaming nahuli na napa pasok dun kasi traffic pag akyat namin ng tulay. nag tataka lang ako kung bakit sa lipa, batangas pa kukuhanin yung license ko.
Re: nahuli ako sa epass lane...pls help me!
na sampolan/na tsambahan ka siguro boss, marami kasing makukulit na motorista na gigilid sa epass lane sabay kakabig/singit sa cash lane pag dating sa dulo. ang weird lang kasi sa filinvest ka nahuli tapos sa lipa ang tubos.. patay kang bata ka.
Re: nahuli ako sa epass lane...pls help me!
Quote:
Originally Posted by
icedrop
mga bossing...ask ko lang kung magkano ang tubos ng license pag nahuli ka sa epass lane? nahuli kasi ako kanina sa filinvest, muntinlupa city hindi kasi ako pamilyar sa lugar. tapos sabi nung humuli sa akin sa lipa, batangas ko daw tutubusin. haay grabeng purwisyo! baka may alam po kayo mga bossing para may idea ako pag punta ko sa lto batangas nextweek. thanks!
Bro that happened to me, the guard came to me and gave me a one line lecture and that's it. I wonder why they took your licence?!
Re: nahuli ako sa epass lane...pls help me!
swerte mo naman sir mazzipino na palusot ka...tama si n5110 na chambahan ako... sobrang malas tlaga! bayad na....sa lipa batangas pa ang tubos! kaya para sa lahat ng mga makakabasa nito ingat kyo sa flyover ng filinvest baka ma WOW MALI KAYO! hehehe!
Re: nahuli ako sa epass lane...pls help me!
pag kaka alam ko sir bago kayo umakyat ng flyover papaunta filinvest from manila may signage na na nklagay epass lane,
Re: nahuli ako sa epass lane...pls help me!
gulo nila ah, dati naman sa Calamba exit pag mahaba traffic nagpapadaan sila sa epass lane, nakakailang daan na ako dun hindi naman ako hinuhuli, ginagawa ko na lang bayad dun sa cashier then hindi ko na kinukuha sukli
Re: nahuli ako sa epass lane...pls help me!
That's SLEX (mis)management for you folks.
Re: nahuli ako sa epass lane...pls help me!
natubos ko na yung license ko sa lto lipa, batangas. grabeh ang dami ng tao 7am pa lang dun na ako. bayad ng 1,278 tapos may exam pa! before lunch release na license ko. purwisyo mga ka bro!