Re: Anybody into farming?
i am into feeds...clients ko mga livestock farms (pigs and poultry):
imo, bangus and tilapia have similar exposure to broiler chickens pero the risk is higher and the selling price is a bit low.
saan location ng farm - bakit brackish ang tubig?
mango...aabutin ka ng 5 years at least bago pa magbunga yan.
sugpo... grow-out or breeder? kung breeder sourcing ng breeders prawns lang medyo problem. Ang investment sa "semi-intensive" prawn farm would be similar to the investment sa prawn breeder.
sa parte ng hagonoy ang uso ay non-intensive o traditional prawn farming - low inputs (puhunan) pero unstable production return (suwerte na ang 10% harvest recovery). kikita pa rin (somehow) kasi halos wala ka naman inputs.
crabs...hmm interesting...King crabs would be good and better than plain mud crabs. pero hindi malalim ang background ko dito pero it is quite a lucrative and pays-for-itself business daw (the in-laws of a friend in Ilo-ilo is into this king crab biz).
Re: Anybody into farming?
oo nga bro medyo malaki risk sa bangus at tilapia at maliit kita. Farm is located in hagonoy/calumpit area. yun farm eh sa parent ni wifey kaso napabayaan na. Nanghihinayang ako kasi hindi napapakinabangan since walang nag-aasikaso. 15 hectares din yun and the only income comes only from those who lease some of the area. may part kasi na palayan dati. meron din palaisdaan, and nag-try din sila ng prawns. mukhang ok yun prawns kung hindi mababaha.
nag-try sila ng prawns dati and kumita sila ng 1.5m sa isang harvest and to think na 100 k lang puhunan nun. right now kasi mukhang i-tuturn over na lahat sa min ni wifey kaya pinag-aaralan ko na.
by the way grow out yun. yun crabs eh mukhang lucrative nga since may kakilala kami na mukhang naka-jackpot dun! (saka sarap nung crab nila! daming taba saka malaki hehehe!)
yun mango pansin ko kasi yun ang maggandang patubuin sa soil dito sa bulacan. meron na kasi 50 trees dun sa bukid pero mostly eh sa mga boundary mismo nung farm. and yearly may pumapakyaw sa mga bunga kahit hindi inaalagaan yun puno so iniisip ko na i-convert yun 15 hectares sa manggahan.
by the way saan ba pwede kumuha ng training about agri biz? medyo malayo kasi field ng IT dito eh! hehehehe
Re: Anybody into farming?
if mahaba ang pasensya mo... ok din ang mangoes kung mag ground up ka.
tapos tanim ka ng ibang fruits or veggies in between the mango trees, ok din ang calamansi - medyo tsaga lang din at kailangan ng tubig.
gaano ba kalaki ang lot area pala?
Re: Anybody into farming?
Quote:
Originally Posted by
mazdamazda

oo nga yun nga plano ko para hindi masyado maasikaso since plan ko rin magtayo ng business by next year sa sm baliuag saka sa sorrounding areas.
15 hectares yun farm lot. meron din several lots near the farm na balak ko din i-convert since yun ancestral house nila eh malaki rin yun lot area, i think around 2000 mahigit na sqm yun tabi ng road. plano ko din na bilhin yun ibang lots para magkaroon ng sariling road yun farm.... mukhang malaki gastos ah... medyo around 500 meters din layo sa main road.. :grin:
Re: Anybody into farming?
wow... 15 hectare... daming pwede gawin jan... maganda na mixed yung laman ng farm mo para kung dehado sa isa (like sa mangoes kapag binagyo - 50K lang nakuha namin nung isang taon dahil laglag lahat nung bulaklak) pwede pa makabawi sa ibang produce.
yung sa pakyaw ng mangga mo... paano arrangement ninyo? sila din ang magpa spray & bantay then hati na lang sa profits?

oo nga medyo malaki nga bro. yun mga mangga eh pinapabayaan lang. actually di talaga na-susupervise yun farm. meron lang pupunta na mamimili then bilhin lang nila yun mga bunga on the spot. presyuhan kagad. binibigay lang namin about 1200 per tree so 50 k yun approximately. medyo toxic nga eh sa dami ng kabuhayan nina esmi tapos nag-iisa anak eh si esmi pa naman eh isip bata at di maaasahan sa ganyan kaya sa kin na pinapasa lahat since gusto na lang magpasarap ng mga biyenan ko.
anyways gusto ko talaga yun sugpo saka crabs! :grin: para naman libre na sugpo saka crabs namin ni esmi! hehehehe!
Re: Anybody into farming?
sir, before nagfafarm kami ng family ko.
mango ok po sya...and in between pwede kayo tanim ng mga small veggies or plants. tama po si m2..pwede din calamansi...
you can also try yun mga veggies like pechay. and lettuce.
tapos..madali din magtanim ng mga herbs. try basil and parsley.
if you like you can go to up los banos..dun sa agri dept nila.. and ask for info regarding farming po.
Re: Anybody into farming?
^ +1+2 m2 & m2's k.
we have a small area in our province. rice field + mango. inbetween trees may mga calamansi and sili. pwede din yung green leafy vegetables.
Re: Anybody into farming?
Quote:
Originally Posted by
badsekktor
oo nga bro medyo malaki risk sa bangus at tilapia at maliit kita. Farm is located in hagonoy/calumpit area. yun farm eh sa parent ni wifey kaso napabayaan na. Nanghihinayang ako kasi hindi napapakinabangan since walang nag-aasikaso. 15 hectares din yun and the only income comes only from those who lease some of the area. may part kasi na palayan dati. meron din palaisdaan, and nag-try din sila ng prawns. mukhang ok yun prawns kung hindi mababaha.
nag-try sila ng prawns dati and kumita sila ng 1.5m sa isang harvest and to think na 100 k lang puhunan nun. right now kasi mukhang i-tuturn over na lahat sa min ni wifey kaya pinag-aaralan ko na.
by the way grow out yun. yun crabs eh mukhang lucrative nga since may kakilala kami na mukhang naka-jackpot dun! (saka sarap nung crab nila! daming taba saka malaki hehehe!)
yun mango pansin ko kasi yun ang maggandang patubuin sa soil dito sa bulacan. meron na kasi 50 trees dun sa bukid pero mostly eh sa mga boundary mismo nung farm. and yearly may pumapakyaw sa mga bunga kahit hindi inaalagaan yun puno so iniisip ko na i-convert yun 15 hectares sa manggahan.
by the way saan ba pwede kumuha ng training about agri biz? medyo malayo kasi field ng IT dito eh! hehehehe
Try mo "Ating Alamin" ni Gerry Geronimo sa may paranaque,meron syang show nito sa TV every weekend,di ko lang alam kung existing pa matagal na kasi akong out of the country...