Fire extinguisher expiry?
gano ba katagal bago ma-expire ang fire extinguisher? (DRY CHEMICAL type)
1year lang ba talaga katagal? kasi every year nagpapa-refill ako. 10lb P1,200 yun. may pumupunta tao ng fire dept.(business yata nung cheif fireman) kasi 1year lang daw shell life ng dry chem. required kasi sa business permit. kapag hindi ka sakanila magpapa-refill grabe papahirapan ka...
eto mas nakaka-bwisit. nagaapply ako new business permit.
bumili nalang ako sa DIY shop. 5years before ma-expire... 'gulat ako.... binigyan din nila ako xerox copy ng DTI permit nila from makati 'parang permit to sell extiguishers' papakita ko daw sa inspector. so nung ininspect na yung fire extingusher ko AYAW tangapin ng bwusit na inspector sa tao ko. kailangan daw yung permit ng DIY dito daw sa DTI pampanga galing. tanga ba yung inspector. diba pareho lang DTI main sa makati at pampanga? so ngayon kailangn ko iapply ng sariling permit itong extinguisher ko sa cityhall. madami daw babayaran na fee. kasi hindi sa mismo fire dept galing. grabe ginagawa na tanga mga tao. kapag hindi ka saknila bumili ng fire extingusiher grabe papahirapan ka.
ganyan din ba sa kagarapal city niyo?
Re: Fire extinguisher expiry?
yup yup yup. Hanap buhay ng mga bumbero yan. Although it is a form of corruption or harrassment, but it is still better than asking for money outright.
Re: Fire extinguisher expiry?
Ako po nag check ng Firex dito sa planta namin, usually abroad is Five years ang warranty pero because of environmental factors wala daw local company na magbibigay ng 5 years warranty dito sa atin, pero we conduct a fire fighter training twice a year pinapagamit ko yung mga lumang firex namin mga six years old na lahat naman ok, madali lang naman kasi maintenance niyan dahil compressed tank lang naman, di ko lang alam kung ganyan din takbuhan dito sa Binan kasi Safety engineer namin ang nagaasikaso ng mga permit
Re: Fire extinguisher expiry?
kotong tlga yang mga bumbero when it comes to that,
yearly fire inspection dito, yearly pinapabili kami ng fire extinguisher. kung titingnan mo yung price, sobrang taga sila.
what we do is hanap kami sa yellow page then pa fax ng quote sa kanila, tapos i-mu-mudmod ko sa mukha nila yung gusto nilang price...hehehe para mas makamura din. :D
Re: Fire extinguisher expiry?
actually, hindi lang dyan sa pampamga pati dito sa manila. racket talaga nila yan pero ok naman yan if may kilala kang mataas ang position. banggitin mo lang yun, wala pang isang araw ok na permit mo maski hindi nila check yung fire extinguisher mo...:twak2:
Re: Fire extinguisher expiry?
nag "rounds" din sila dito yesterday...
same routine... tawaran mo na lang yung refill saka hingi ka ng terms
dito 70 pesos per lb...pero hanap pa ako ng mura...
Re: Fire extinguisher expiry?
Yep kotong iyan.
Yung ibang imported na firex (e.g. First Alert) walang defined lifespan dahil may check button sila sa ibabaw to see if the contents are still ok. Almost 7 years na yung unit ko, kakapindot ko lang kanina dun sa check button niya, ok pa din.
Re: Fire extinguisher expiry?
40.00 lang per lb ang pa refill ko..
dito sa makati matindi din ang racket nang Fire Department.. gusto pa nila eh yung kulay green na firex ang bilhin sa kanila kasi daw may mga PC.. pang electronics ek ek daw yun.. para daw ma save pa yung hardware in case masunog.. pag yung ordinary red firex daw eh mababasa kaya di na magagamit.. ang sabi ko na lang.. ok lang na mabasa.. papalitan na lng yung PC.. ayun pumayag din..
sa bahay naman required kami nang 2 10lbs firex nang condo admin.. bumili lang ako sa ACE. eh ang sabi don sa warranty.. 2 years daw yun.. eh nakaka 1 year pa lang gusto pa refill na agad.. di nga ako pumayag..
Re: Fire extinguisher expiry?
Meron rin dito nangungulit na taga DILG, pero kami ang sariling nagrerefill:nod: 15 pounds for ABC class fires P900. kasama na Vat, valid for 3 years:nod:
Re: Fire extinguisher expiry?
pwede ba na habang nagchecheck sila at nakikipag-"negotiate" sayo mayroon nakaharap na video camera sa inyong dalawa? para malinaw ba.