nagasgasan na ba kotse ninyo sa parking lot
this happened to me. nasa robinsons east ako sa marcos highway at pumunta sa free parking nila. like most malls, mahirap magpark.
nakapark din ako. habang nasa car pa ako, may dumating na white toyota corolla ( yung mataba body, 98 onwards model yata yun ) with a lady driver. pansin ko agad sa car niya kasi medyo luma na pero pormada at alaga at dami stickers kung ano ( police, malacanan, dotc o ano sa windshield ) so sabi ko, mayabang yata ito. kumayaw siya na papark sa tabi ko, i signalled by hand na di siya kakasya kasi alanganin talaga yung space kasi kinain ng poste ng building almost 1/3 ng parking space. di yata niya naintindihan. aminado naman ako, four talaga ang painted spaces pero tatlo lang talaga kasya. maipilit magkasya kung pipilitin, pero magplastikman na kami pareho para makababa pa ng kotse. pagbaba ko, di pa rin siya umalis baka kako wait siya makapark sa iba. so lumakad na ako papunta mall. pagbalik ko after several hours, may mahabang malalim na gasgas na kotse ko na obvious sinadya as against nasagi lang ng dumadaan. siya na inisip ko gumawa nun
Re: nagasgasan na ba kotse ninyo sa parking lot
Judy: OT lang, wala namang paid parking sa Metro East ah...
Madalas may dent/gasgas oto namin dahil sa mga bata sa street namin naglalaro hehe.
Re: nagasgasan na ba kotse ninyo sa parking lot
Dent magkabilang pinto sa akin yung sa akin yung last sa SM City. Mga taong walang pakialam pag magbukas ng pinto :twak2:
Re: nagasgasan na ba kotse ninyo sa parking lot
Deep scratch on my right door panels... just this afternoon from the carpark rin.... argh.... Sawa na akong pabalik-balik sa paint shop mula January this year dahil sa mga pasaway sa parkingan kaya hayaan ko na munang dumami ang gasgas. Di bale ng pangit sa itim... sigh.
Re: nagasgasan na ba kotse ninyo sa parking lot
Dent at gasgas from parking , dami na. Salamat sa mga taong walang pakialam pag mag bukas ng pinto.
Minsan me naisakay ako, pag bukas ng pinto, walang pakialam. BOG! Ang lalim ng tama, Katakot takot na sermon inabot sa akin. Kakilala rin namin yung tinamaan. Sorry na lang daw. Bwisit!
Re: nagasgasan na ba kotse ninyo sa parking lot
Yep. Sa may Robinsons Metro East den nangyari.
I parked at the basement sa grocery level. At first I didn't noticed misaligned na pala yung front bumper ko. The roving security guard pointed out to me na may nakadali nung sasakyan ko kanina kaso nde na nya nahabol. Good thing mabilis mata nya at nakuha nya yung license plate.
I forgot how my Mom did it pero na trace nya after 2 days ata. Sa may Greenpark nakatira. Ayun, true enough andun nga yung sasakyan right make/model and color na sinabi nung guard. The owner, middle aged lady, didn't give us a hard time. She offered agad to pay for the damage.
Re: nagasgasan na ba kotse ninyo sa parking lot
dami na rin akong dimple dents at gasgas dahil sa inconsiderate fellow motorists. that's why i prefer parking in paid covered parking areas thinking optimistically that car owners who are more careful and more concerned w/ their cars ( and for hopefully others cars as well ) also prefer parking in paid covered parking areas. pero minsan sablay pa din eh :rolleyes:
Re: nagasgasan na ba kotse ninyo sa parking lot
Skin sa parking di pa ako nadale.
Re: nagasgasan na ba kotse ninyo sa parking lot
yup sa sm city open parking long time ago... la naman ako magagawa...
Re: nagasgasan na ba kotse ninyo sa parking lot
^^^^ SM city North EDSA din..at saka sa Divisoria pa pala