what you don't want or like every xmas?
ayaw ko "sana" namimigay ng cash gifts sa mga sekyu o helpers sa skul ng anak ko. yung dala kong pera sakto lang sa mga kakilala ko tapos bigla na lang may mga susulpot na di mo nasama sa bilang.
ayaw ko yung awkward feeling na yung iba nabigyan mo pero yung mga kasama hindi.
at yung sandamakmak na planner at mga bolpen na pag isinulat mo hindi mo alam kung walang tinta o wala ka namang maisip isulat?
at andami na namang ham!
potsa, gagalisin na naman yung mga aso namin!
tapos may nagbibigay sakin ng tsinelas pero isang paa lang.
next year ko pa natatanggap yung isa pagkatapos maupod nung isa.demet!
Re: what you don't want or like every xmas?
Ayoko yung basura truck collector crew na patsamba tsamba lang ang pag kolekta sa amin, ngayon halos araw araw, kumakatok at nag a abot ng sobre.
Re: what you don't want or like every xmas?
Quote:
Originally Posted by
ess
Ayoko yung basura truck collector crew na patsamba tsamba lang ang pag kolekta sa amin, ngayon halos araw araw, kumakatok at nag a abot ng sobre.
bad trip nga yan, pero sa QC eh bawal yan, isang krimen bigyan ng pera ang govt services ng wala resibo...
ako badtrip sa mga squatter na na ngangaroling, tapos ipambibili ng paputok, magugulat ka na sa putok may chansa pa mag ka sunog sa inyo...
Re: what you don't want or like every xmas?
ayoko:
- trapik
- gulo sa mall.
- mga nangangaroling na bata na pinagkakakitaan lang ng mga magulang nila.
- mga nagiikot sa bahay-bahay at namamasko ng mismong christmas day.
Re: what you don't want or like every xmas?
Ayaw ko yung mga clients na bibili sa inyo ng kapiranggot or konting tingi-tingi, tapos solicit ng TV and/or washing machine during Christmas.
Actually, I dislike the current concept of 'Namamasko po'. It's become synonymous to 'PENGE REGALO'.
Re: what you don't want or like every xmas?
Quote:
Originally Posted by
Stigg ma
ako badtrip sa mga squatter na na ngangaroling, tapos ipambibili ng paputok, magugulat ka na sa putok may chansa pa mag ka sunog sa inyo...
Pag pauwi ako at nakita kong naka abang sila sa gate ko, dederecho na lang ako at iikot for a couple of minutes. Babalik lang ako pag malayo na sila sa gate ng compound namin. Bad trip talaga kapag papasok ka sa bahay/compound mo tapos may nangangaroling sa tabi ng kotse mo habang nagmamaeobra ka. Malalagyan pa ng kulangot at uhog ang bintana mo tapos tataktakin pa nila fenders mo, kunwari tinutulungan ka pumarada. Tapos hindi mo pa masasara yung gate ng compound/bahay mo kasi nakapasok sila sa loob.
Re: what you don't want or like every xmas?
Ayoko sa pasko. Nagbabakasyon sa amin byenan kong babae hanggang 3 kings. yung mga kasambahay namin biglang magpapaalam para magbakasyon kasi di ni matagalan si beloved byenan hehe.....
Re: what you don't want or like every xmas?
Quote:
Originally Posted by
holdencaulfield
ayaw ko "sana" namimigay ng cash gifts sa mga sekyu o helpers sa skul ng anak ko. yung dala kong pera sakto lang sa mga kakilala ko tapos bigla na lang may mga susulpot na di mo nasama sa bilang.
ayaw ko yung awkward feeling na yung iba nabigyan mo pero yung mga kasama hindi.
at yung sandamakmak na planner at mga bolpen na pag isinulat mo hindi mo alam kung walang tinta o wala ka namang maisip isulat?
at andami na namang ham!
potsa, gagalisin na naman yung mga aso namin!
tapos may nagbibigay sakin ng tsinelas pero isang paa lang.
next year ko pa natatanggap yung isa pagkatapos maupod nung isa.demet!
Maybe it was Pepe who gave you the slippers... One at a time bro... Let the tide bring in the other slipper.... :grin:
Re: what you don't want or like every xmas?
1. Traffic
2. The "namamasko po" concept (complete strangers knocking at your gate). Seriously, we do not have that (nor practice it) here in Negros.
Though, I give a small token to the village guards, the garbage collectors, the maintenance people, and the barangay tanods. I feel its one way of thanking them for keeping our property safe and secure, the streets clean and lighted, the surroundings weeded, and the plants pruned.
Re: what you don't want or like every xmas?
Sobrang daming tao sa mall saka magulo. Kaya kami we decide to visit relatives na lang kesa mag gala