New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 34
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    Itinuturing ng oposisyon na isang ‘heavyweight’ ang tumestigong Army Captain na yumanig sa liderato ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos nitong kumpirmahin ang nangyaring dayaan noong nakaraang presidential election gamit ang salapi ng mga tinaguriang jueteng lord ng bansa.

    Ayon kina Sen. Panfilo "Ping" Lacson at Senate minority floor leader Aquilino "Nene" Pimentel Jr., hindi na kailangan pang maghanap ng ibang testigo para patunayan ang koneksyon ni Mrs. Arroyo sa jueteng money noong presidential election, maging ang nangyaring dayaan dahil sa matapang na pagtestigo ni Army Capt. Marlon Mendoza.

    "Ipinakita rito ay na-corroborate niya ang testimony ni (Michaelangelo) Zuce at naipakita niya ang lawak ng pandaraya na kinasasangkutan ni (Commission on Elections Commissioner Virgilio) Garcillano at ibang Comelec officials. Naipakita niya rito ang pera, iyong laganap ang bigayan ng pera noong eleksyon para siguradong manalo si GMA," ani Lacson.

    Sa testimonya ni Capt. Mendoza, Class 94, kasabwat ng kanyang among si Garcillano ang mga tinaguriang jueteng lord, patunay ang pagkumpirmang nagbigay ng P300 milyong donasyon ang tinaguriang Jueteng King na si Rodolfo "Bong" Pineda, kumpare ni Mrs. Arroyo.

    "As heavy as Zuce, I think iyong testimony niya, mabigat. In other words, si Mendoza nandun siya sa implementation of the plans that were hatch before and kung papaano i-manipulate ang eleksyon doon sa Mindanao," reaksyon naman ni Pimentel.

    Maraming kuwento si Mendoza, ayon kay Lacson na tugma sa testimonya ni Zuce, katulad ang pagkumpirma sa boses ni Garcillano sa Hello Garci tape, pamumudmod ng salapi sa mga Comelec officials sa Mindanao at pandaraya para masiguro ang panalo ni Mrs. Arroyo.

    "Isang significant bukod sa corroborate niya si Zuce, siya ang 2nd Filipino na nag-authenticate ng Garci tape dahil siya ang nakadikit kay Garci. Alam niya rin ang pandaraya na kinasasangkutan ni Garci. At `yan ang buod ng kanyang pag-testify rito," ani Lacson.

    Sa testimonya ni Mendoza, sinabi nitong narinig niya nang ipinagmalaki ni Garcillano sa harap ng mga taga-Comelec sa Camarines Sur ang pagkaapruba sa P300 milyong donasyon ni Pineda para masiguro ang panalo ni Mrs. Arroyo.

    Mismong si Sen. Manuel Villar Jr., chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs na nag-imbestiga sa jueteng scandal, aminadong malakas ang testimonya ni Mendoza at nagpatibay sa naunang testimonya ni Zuce.

    Bagama’t ayaw kumpirmahin kung ‘credible witness’ si Zuce, inamin ni Villar na tumibay ang alegasyon laban kay Mrs. Arroyo, maging sa iba pang isinasangkot sa eskandalo nang lumutang si Mendoza at patotohanan ang naunang testimonya ng una.

    "Ang sinasabi ko lang, nadagdagan ang kredibilidad. Hindi ko naman sinasabi na totoo ang kanyang sinasabi. As I said, ito ay isang bagay na pag-uusapan ng komite," ani Villar.

    Sa imbestigasyon, inamin ni Mendoza ang pagiging chief security ni Garcillano sa loob ng ilang buwan, mula Abril hanggang Hunyo 2004.

  2. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    469
    #2
    Ramos is running the govt now in secret w/o him matagal nang nawala si GMA. Sa kanya ang lahat ng general.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,327
    #3
    Sabi ng administrasyon hindi daw jueteng operator si Bong Pineda, tsismis lang daw yun :bwahaha:

  4. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    34
    #4
    i saw his testimony, it kinda supports that of zuce. but what is lacking is hard evidence. because anybody who has adequate resources can produce witnesses to and accuse anybody of engaging in criminal or wrongful acts. in short, i doubt if capt. mendoza's testimony will stand

  5. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2,267
    #5
    ndi ako abogado pero i think it is not enough to prove the link bet GMA and Bong Pineda exists to say that she received money from jueteng. i am not pro GMA pero kung gusto ng opposition to succeed, they have to prove in court that Pineda is involved in jueteng (alhtough sa karamihan sa atin ay ndi na kailangan ito).

    or the opposition will just resort (again) to inciting the people to revolt (again) against GMA just like what they try to do recently. but i think, sawa na tao sa rally. para kasing cycle na lang ito ng politics sa atin, di ba?

  6. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #6
    mukhang matindi talaga kapit ni gloria ...kahit ano or sino pa testigo at dokumento ang ilabas wlang intention bumaba

    Ramos is running the govt now in secret w/o him matagal nang nawala si GMA. Sa kanya ang lahat ng general.
    dahil dito siguro kasi kontrolado pa nila ang military...


    kaya walang rebolusyon nagaganap

    puro rally at sigaw lang sa kalye ..nag bibingi- bingihan at bulag bulagan

    lang ang Malacanang sa mga ganyan

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,384
    #7
    still waiting for some hard proof .. i think the more dubious characters the opposition brings to the media .. the worse their case becomes ..

    yung mga nag-testify kay estrada sa trial niya .. sina clarissa ocampo .. bank execs .. mga mukhang walang political agenda ... kay gma .. sina mendoza .. zuce .. lahat may caso .. mukhang "for sale" testimonies ..

    kelangan ng opposition yung medyo clean guy yung mag-testify ...

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #8
    hintayin natin yung testimony ni governor dy. baka sya ang mag ala chavit singson.... well that depends on whether he will admit the pay-off that allegedly occurred during a meeting with GMA.... abangan...
    Last edited by rsnald; August 11th, 2005 at 04:04 PM.

  9. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,847
    #9
    ako hindi ko na alam kung sino papaniwalaan sa kanila kung opposition ba o yung sa kampo ni GMA pero like mrpink said kailangan ng opposition yung medyo clean ang tao na magtetestify..Pero let see kung ano mangyayari kaya abangan..


    Ramos is running the govt now in secret w/o him matagal nang nawala si GMA. Sa kanya ang lahat ng general.
    Hindi ko alam yan ah..

  10. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    484
    #10
    Quote Originally Posted by mrpink
    still waiting for some hard proof .. i think the more dubious characters the opposition brings to the media .. the worse their case becomes ..

    yung mga nag-testify kay estrada sa trial niya .. sina clarissa ocampo .. bank execs .. mga mukhang walang political agenda ... kay gma .. sina mendoza .. zuce .. lahat may caso .. mukhang "for sale" testimonies ..

    kelangan ng opposition yung medyo clean guy yung mag-testify ...
    Waiting for a mr clean witness? Hmmm... Good luck nalang sa kanila.

    I am not suprised at all that shady characters are coming out as witnesses. It makes sense. Why? Kasi kung gagawa ka ng kalokohan, like cheating in the elections, soliciting jueteng money, and bribing election officials, sino pa ba ang sasama sa iyo kundi yung mga loko-loko. Walang matinong tao na sasama sa kalokohan mo. Therefore, if the background of Zuce and Mendoza were questionable, it's because they were merely being true to form. Thier eagerness to do wrong made them perfect recruits to commit those alledged crimes in the first place.

    But you're right. Dapat talaga merong hard evidence- whoever is witness. Let the cold, hard facts speak for themselves.

Page 1 of 4 1234 LastLast
Gloria Giba Kay Mendoza