Results 1 to 9 of 9
-
January 13th, 2013 12:05 PM #1
Mga sir, ilang buwan ng di gumagana yung wiper intermittent ng starex ko, kakainis on and off wiper pagmahina ulan or ambon lang.
Puede ba ayusin or irepair ito? Kung hindi, magkano kaya surplas or brandnew nito? Thanks...
-
January 13th, 2013 02:22 PM #2
Mga sir/bossing, post naman kayo dito, alam kong marami din katulad ko na sira intermittent ng wiper nila.
Mahirap kasi patay sindi ng wiper pag nagdridrive,hindi ka relax. Ayaw ko naman nakaon yung wiper kung mahina lang.Mauupod agad wiper blade, so paayos ko na lang. Magtatanong muna ako dito bago ako pumunta ng shop at baka lokuhin pa ako.
Salamat ulit..
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jul 2010
- Posts
- 570
February 9th, 2013 10:00 PM #3Gumagana pa pala. Yun lang ay tumitigil kung mahina ang ulan. Dahil sumasabit sa salamin yun wiper blade. Palagay ko mahina yun wiper motor mo. Ibig sabihin ay marumi na yun commutator ng motor na or pudpod na iyon carbon brush. Palinis lang yun motor commutator at palit ng carbon brush iyan. Di na kailangan bumili ng bago.
Kung delay wiper controller ang sira ay madalas ay yun mechanical parts ang nasisira gaya ng relay sa loob ng conroller. Napupudpod ang contacts.
-
September 9th, 2014 11:34 PM #4
Buhayin ko lang yung thread na to. Problema ko wiper ko is hindi sumasagad yung hagod nya sa salamin sa taas tapos pagbalik naman sa baba, lumalampas naman sa salamin kaya halos pumapatong na sa plastic panel bandang taas ng hood. Sinubukan ko tanggalin yung nuts na nakakabit sa baba (dulo) pero mukhang hindi naman naaadjust dun kasi sobrang tigas. Kahit anong hila ginagawa ko, talagang ayaw humiwalay yung wiper frame dun sa bolt. Baka may naka experience na sa inyo ng ganito, pa advise naman kung paano gagawin DIY lang. TIA
I may be stupid, but I am not a fool.
-
September 10th, 2014 12:17 AM #5
puwede yan tanggalin, basta may size 10 wrench ka lang, or just maybe in my case. itaas mo muna wiper arm before you unscrew the bolt. kung tanggal na, hilahin mo nalang pataas. yank it sideways kasi may laban yung spring sa arm because it is extended.
-
September 10th, 2014 12:24 AM #6
Ilang beses ko na pilit tinatanggal para iadjust yung wiper arm pero ayaw talaga. Binabaran ko na nga din ng WD40 bago hilahin pataas pero sobrang tigas talaga.
I may be stupid, but I am not a fool.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 53,883
September 10th, 2014 09:09 PM #7
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jul 2010
- Posts
- 570
September 11th, 2014 10:35 AM #8
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2017
- Posts
- 20
July 27th, 2017 10:13 PM #9up ko lang tong thread to. Galing ako kay jemson kanina pinaayos ko wiper ko, wala yung 1 nya pero okay 2 at 3, di aauto park sa rest position. Sabi nya sa intermittent wiper module daw kaso di namin nakita kanina sa kotse ko (a32 1997 cefiro) sa mga makakatulong at nakaranas na same problem thanks! Di daw sya sa switch at motor e