Thread for reporting repair places where customers had parts of their vehicles stolen. Posting some quotes gathered in tsikot forum:

Quote Originally Posted by AC View Post
casa man or maliit na shop kailangan natin magingat.. kahit saan may magnanakaw

noon sa diamond sa santolan.. nung nandun pa early 90s.. pinasok pajero namin.. boxtype... 10k service... tumawag.. kailangan nadaw palitan mga engine support.. nagulat tatay ko pinuntahan agad yung casa
sabi sa control room.. ginagawa daw.. pag punta namin sa bay.. kung saan assigned.. ibang kulay ng pajero ang ginagawa.. and luma... yung amin po kasi yung last batch ng boxtype 1994 turbowagon...
galit na galit tatay ko.. pero parang kinausap lang ng manager.. and ayaw din nila pa investigate kung sino ang may pakana or pinpoint sino may kasalanan.. parang pasensya na.. hindi mauulit.. ganun lang..
siyempre hindi na mauulit.. hindi na kami babalik dun.. kaya ngayon iwas casa din ako

kahit sa small shops uso din nakawan.. nanakawan ako sa isang small shop... pinagawa ko clutch lang.. sabi ng isang mechanic... oo nakita ko yung sd card diyan nung pinasok 4gb.. medyo napagalitan pa yung nagsabing may nakita siyang sd card... tapos parang gusto sabihin ng boss... ako pa may kasalanan.. dahil di ko binaba ng sasakyan...
kaibigan ng parents ko yung boss...and mabait naman.. very friendly.. and ok assist.. kayalang... parang mali na customer pa masisi pag may nawala..
sabi pa sakin san naman nila gagamitin yan.. wala naman computer mga technician namin.. (meron paba walang computer ngayon? this happened 2 years ago siguro)
Quote Originally Posted by Starex_Gold View Post
Duwag eh

Nabalitaan ko noon yung Citimotors Makati pumipitik ng pyesa. Yung uncle ko ninakawan ng busina eh, naging single tone na parang motor tuloy. Pero that was more than 10 years ago. Ewan ko kung ugali parin ng Citimotors Makati yun.
Quote Originally Posted by crazy_boy View Post
kung ako ginago ng dealer, laglag kaagad yan.

dati ginago na din kami ng Mitsubishi Abad Santos. This was before the closed down and re-opened. L300 na delivery van namin, wala pang 10,000km tinakbo, pinasok for a fender bender repair. pag pick up ng driver namin, wala ng tubig radiator and blow by na makina. mga walang hiya, pinalitan mga piston. after several negotiations and several letters to the head office, ayun, pinalitan ng bago.