Hello to everybody!

Patulong naman po kung sino nakakaalam ng ganitong problema
Pag naka D ayaw kumagat kung minsan, pero pag kumagat naman at napunta sa akyatin o may naka kalso biglang parang nag nyo-nuetral
Pag naka akyat na naman, ok na sya at walang problema kahit malayo ang takbuhin o madaan sa akyatin na lugar

parang sa una lang yong problema nya lumalabas, paakyat kasi mga 50 meters mula sa garahe ko
kung minsan pag nakapark din sa isang lugar, kahit patag unang andar ganon din ang problema, pero pag nakausad na ay tuloy tuloy na at walng problema
Pag nilagay ko sa 1 umaakyat sya tapos ok na sya pag naka akyat.
Pag lumabas ang ganong problema, at nirebulosyon ko ang makina, bigla syang kakagat tapos ok na sya

sa Reverse wala naman problema.
Bagong palit na ang transmission fluid ko
wala ding fault na mascan sa transmission pag lumabas ang problema
Maliban na lang pag napasobra ng revolution na di kumagat ang kambyo, pero pag pinatay at inistart uli, wala na yong fault
Fault is "output speed sensor Malfunction". lumalabas lang pag sumubra ang revolution habang naka kambyo

patulong naman kung sino nakaranas ng ganitong problema