Results 1 to 10 of 13
-
August 2nd, 2006 08:24 PM #1
OWWA Bankrupt?
Inilutang kahapon ni Senate minority leader Aquilino Pimentel Jr. ang pangambang bangkarote o said na ang pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kaya’t ang national government na ang naglalabas ng pondo para sa evacuation at repatriation ng mga kababayang manggagawa na naiipit ng giyera sa Lebanon.
Kinuwestyon ni Pimentel kung bakit humihingi pa ng augmentation fund ang Malacañang samantalang may P7.6 bilyong pondo ang OWWA na paulit-ulit na sinasabi ng tanggapan na ‘intact’ at ginagamit na diumano ngayon para sa krisis sa Lebanon.
Hindi itinago ng senador ang pagdududa kung totoong may pera pa ang OWWA dahil hirap na hirap ngayon ang gobyerno sa paghahagilap kung saan huhugutin ang repatriation fund.
"This is a glaring proof of the allegation that the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Fund has been used for purposes other than the welfare of the OFWs," ani Pimentel.
Dahil dito, iginiit ng senador sa Commission on Audit (COA) na bulatlatin ang libro ng OWWA upang sa gayon ay makita kung naaayon sa batas ang paggamit ng pondo ng OWWA na kinokolekta sa mga OFWs at dapat ay eksklusibong para sa mga OFWs at kanilang pamilya.
Matatandaang makailang ulit na nangalampag si Philippine Amb. to Lebanon Al Francis Bichara hinggil sa kakapusan na ng perang panggastos sa evacuation at repatriation dahil naiabono na umano nito ang pera ng embahada bunga ng kabagalan ng pagdating ng pera sa Lebanon
Iginiit naman kahapon ni Labor Sec. Arturo Brion na hindi nila iniipit o itinatago ang kontrobersyal na OWWA fund para sa paglilikas at pagpapauwi ng mga kababayang nasa war-torn territory sa Middle East.
Sa katunayan umano, umaabot na sa US$1.5 milyon o P77.34 milyon mula sa OWWA ang nagamit na para sa evacuation at repatriation ng mga nasabing OFWs mula sa Lebanon mula pa noong Hulyo 23.
Ang nasabing halaga ay 34% ng US$4 milyong inilaan ng ahensya para sa naturang misyon. Sa kasalukuyan ay may 1,344 OFWs na ang naiuwi sa bansa hanggang kamakalawa ng alas-otso ng gabi gamit ang naturang pondo.
Taliwas naman ito sa pahayag ni Bichara kina Sens. Joker Arroyo at Richard Gordon na budget ng kanyang embahada ang kanilang ginastos sa nakaraang evacuation at repatriation efforts at wala pa umanong naipadadala roon ang pamahalaan sa pamamagitan ng DFA o kahit ng OWWA.
Nilinaw pa ni Labor Undersec. Manuel Imson na ang nabanggit na US$4 milyon ay alokasyon lamang para sa mga OFWs na gustong umuwi sa bansa. May iba umanong perang inilaan para naman sa reintegration ng mga repatriates at kasama rito ang livelihood at skills training assistance.
==================================================
Langhiya, sayang pala yung binabayad kong OWWA Membership Fee tuwing vacation ko. Ang galing nilang maningil, tapos bangkarote na pala itong linsyak na OWWA na ito.
Sa dami ng OFWs imposibleng bangkarote ito. P1,270 singil nila sa membership fee kada OFW. Saan napunta pera?Kung totoo man ito, dapat imbestigahan ito!
-
August 2nd, 2006 09:47 PM #2
nabasa ko sa column ni Mon Tulfo sa Inquirer, if not today, it was yesterday, na ginamit daw ni GMA last election yung pondo ng OWWA by transferring it to PHIC (PhilHealth), kaya siguro nakapagpamigay ng mga PhilHealth cards si GMA.
Signature
-
August 2nd, 2006 11:14 PM #3
Another anomaly in the government. OWWAla na pala ang fund. KaOWWAWA naman tayo dahil sa mga OWWAlanghiyang government officials natin.
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 2,719
August 3rd, 2006 12:26 AM #4meron akong kilala, dating opisyal ng OWWA, gusto daw i-divert ni GMA ang funds ng OWWA, hindi masikmura ng opisyal kaya umalis na lang sya
balita ... sinibak yata ang (mga) programa ng Tulfo ... sketchy news ... sinabi lang ni kumander narinig nya sa tv (while in a party) kanina ... meron yata kinalaman si baboy mike ... malamang nasa dyaryo bukas ... abangan
-
August 3rd, 2006 12:51 AM #5
Milyon ang OFWs. Lahat yan nagbabayad ng OWWA membership fee. Tapos bankrupt? Hindi ata tama ito.
Putsa...... kung di pa nagkagiyera sa Lebanon, di pa malalaman ng buong Pilipinas na bangkarote na ang OWWA.
-
Tsikot Member Rank 3
- Join Date
- Jan 2006
- Posts
- 732
August 3rd, 2006 02:57 AM #6bangkarote ang OWWA? grabe pano nannyari yun e ang dami dami OFW's natin...
mga gahaman talaga mga opisyal na yan
-
-
August 3rd, 2006 11:37 AM #8
Heck, we knew about the PhilHealth thing way back then... didn't know the money came from there. Ang dami din na-divert for scholarship funds... but the scholars are having trouble getting the money kasi na-divert ulit... ang galing ng government, pare, ambilis mag-move ng pera...
Ang pagbalik ng comeback...
-
August 3rd, 2006 03:34 PM #9
Pero, sa press release ng OWWA, meron daw silang about P8B, na pondo nila. Nasaan?
-
August 3rd, 2006 04:29 PM #10
Originally Posted by chua_riwap
NASAAN NGA TALAGA PONDO?
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines