Results 1 to 10 of 21
-
August 13th, 2010 05:46 PM #1
Salamat at naintindihan ni Bise Presidente Binay ang hinaing ng maraming OFW ukol sa "Mandatory PAG-IBIG fund membership"
http://www.mb.com.ph/articles/272040...tion-suspended
Good news for overseas Filipino workers (OFWs).
Vice President Jejomar Binay on Thursday ordered the suspension of the implementation of the six-month advance payment to the Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) recently required among OFWs as a pre-condition to their departure.
Binay ordered the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) and Pag-IBIG to suspend the order on Thursday, saying that there is a need for a “thorough study and more consultations” with the affected sectors before it should be implemented.
He also stressed that the government should be of help to OFWs and not be a burden to them.
“What is important is that government should assist our OFWs and should not be seen as further imposing burdens on them,” Binay said.
“Aside from reviewing the legal basis for the order, the concerned government agencies should hold more consultations with the affected sectors. There should be transparency in the process,” he added.
“There are benefits to be derived from Pag-IBIG membership and this should be explained fully to our OFWs.”
Earlier, the POEA issued Memorandum Circular No. 06, Series of 2010 on July 7, requiring OFWs to pay P600 for six months as a compulsory contribution to the Pag-IBIG Fund. The payment of the said amount is also a prerequisite to the issuance of their Overseas Employment Certificate (OEC).
-
August 13th, 2010 06:40 PM #2
Salamat VP Binay, nabawasan ang isipin ng mga OFW. Dapat pa ngang tulungan ang mga OFW dahil sobrang hirap ang dinadanas nila sa ibang bansa para lamang maitaguyod ang kanikanilang pamilya.
-
August 13th, 2010 07:22 PM #3
Yan dapat meron consultation muna.... hindi yung tira kaagad na akala mo sa kanila parang mga uhaw sa pagkulikta ng pera.
Dapat naman talaga hindi pilitan ang pagbayad sa PAG-IBIG. Ang PAG-IBIG ay hindi madadala sa santong PILITAN..... Pagpinilit mo kasi baka makasohan ka nang RAPE....Kaya nga ang pagbibigay sa PAG-IBIG ay kung sino lang ang may gusto....
SALAMAT SA KAY VICE BINAY..... dito sa ginawa mo 1 point kana sa akin.... hehehehe
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2010
- Posts
- 266
August 13th, 2010 08:55 PM #4buti naman, expected ko ng nitong paguwi ngayon august may additional na babayaran sa poea na additional burden na ganun-ganun na lang, dapat explain muna sa mga OFW ano benepisyo nito or kung kailangan nga ba talaga...
Very nice job, Good Work V.P.!
-
August 13th, 2010 09:44 PM #5
Paano na kaya yung inobliga nilang pagbayarin noong mga ilang linggo na ang nakaraan. Balita ko sa POEA Ortigas, sa pagpasok pa lang ay pinagbabayad na ng PAG-IBIG?!?
Tama ka Manoy pag ganyan di PAG-IBIG yan kundi RAPE.....
-
August 13th, 2010 09:50 PM #6
sa isang banda maganda rin na member ng pagibig ang isang OFW, kailangan lang ipaliwanag sa mga bagong bayani ang mga benepisyo na maaring makuha bilang miyembro ng pagibig. At tama ang hakbang ni BISE na magkaron ng dayalogo at magkaron pa sana ng inpormasyon kampeyn.
OFW din ako at member nako noon pa.
-
August 13th, 2010 10:12 PM #7
yup maganda ang hangarin ng PAG-IBIG ang di lang ayos ay yung biglaang mandato na lahat ng OFW pagbayarin ng advance na 6 na buwan. Sa mahigit 8 milyong OFW iilan lamang ang miyembro na PAG-IBIG bukod doon karamihan ay nakapagpatayo ng bahay na walang tulong pinasyal mula sa PAG-IBIG.
Noong ako'y nag ta-trabaho sa lokal kinakaltasan din ako ng PAG-IBIG pero sa totoo lang di ko alam kung ano ang numero ko. Kaya kung nagkataon mapipilitan din akong kumuha, ang layo pa man din ng opisina ng PAG-IBIG sa amin...
Tama na sa mga bagay na ganito (mandatong inoobliga ang mamamayan) ay bago ipatupad dapat mayroong sapat ng inpormasyon at kailangan ng matinding diyalogo sa pagitan ng kinauukulan at ng mga partidong apektado. Di yung banat ng banat na animoy bumabalik tayo sa panahong "no ifs no buts" wag na magtanong sumunod ka na lang.
-
August 13th, 2010 10:25 PM #8
Ang PAG-IBIG Funds ay makakatulong yan sa mga kababayan natin na gusto bumili ng bahay at may iba pa itong binipisyo, pero hindi lahat ng Pinoy nangangailangan ng PAG-IBIG.... kaya dapat lang na hindi mandatory.
Ang nangyayari kasi parang hinuHOLD-UP na tayo ng gobyerno kapag ganyan. Tulad ng Philhealth kabilis nila kumuha ng pera pero kapag kailangan mo papahirapan kapa. Ang sistema nila sa PHILHEALTH bayaran mo muna sa ospital tapos reimburse mo sa PHILHEALTH pero ang daming requirement at ang tagal bago marelease ang pera. Paano kung wala kang pera pambayad sa ospital? Para din walang silbe ang Philhealth... Ganyan din mangyayari sa PAG-IBIG na yan!!!! Mabilis sila maningil pero kapag kailangan mo parang ayaw nila magbigay.... ITO ANG DAPAT SA KANILA
-
August 13th, 2010 10:50 PM #9
Manoy, careful with your heart....relax...breath....exhale...inhale...
Tama ka Manoy, wala ako masabi diyan. Sabagay ang ating pamahalaan ay laging iniisip ang ating kalagayan, ang ikabubuti ng lahat, ang..ang..ang... ano pa ba yung mag gusto nila sa sambayanang Filipino? Ahhh...'lam ko na buwis...Last edited by shakatak70; August 13th, 2010 at 11:00 PM.
-
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines