Results 1 to 10 of 32
-
April 18th, 2006 01:51 AM #1
Pauwi na naman ako, kaya makikita ko na naman itong POEA office natin.
Kada bakasyon ko, napapansin ko na walang improvement yung POEA Bldg. sa EDSA, habang tumatagal, lalong nagiging bulok! Yung Balik Manggagawa Center sa Grd. Floor., nakakaawa na ang lagay. Yung TV, na dating may cable, madalas patay. Yung AC, mahina, at yung mga elect. fans, madalas patay din kaya paypay na lang. Noong huling uwi ko, may isang babae, na natumba, dahil yung plastic na silya na kinauupuan niya sa pila, biglang bumigay! Yung CR, naku po! Ang panghe at sira-sira yung mga urinals at bowls. Ang canteen, di ko alam kung ano ang ibinibenta......pagkain ba o house and lot? Ang sistema sa pag-process ng papel, inaabot ng halos isang araw. Pero last December, may napansin ako, may "numbering system" na sila!
Nagtataka naman ako, sa dami ng OFWs, ang laki ng ibinabayad natin, bakit di man lang ma-improve ng POEA yung office nila?Calling POEA, ayusin niyo naman yan, para matuwa naman ang mga OFWs, tuwing bakasyon namin! Halos lahat ng mga balikbayans nagri-reklamo sa hitsura at serbisyo ng opisina niyo.
-
April 18th, 2006 02:00 AM #2
bakit pa tinawag na bagong bayani ang mga OFW kung di bigyan ng magandang serbisyo ng gobyerno??saan napupunta ang mga contribution ng mga OFW sa OWWA at mga ibinabayad sa POEA??
-
Tsikot Member Rank 3
- Join Date
- Jan 2006
- Posts
- 732
April 18th, 2006 02:00 AM #3dati alam ko bulok na pero ngayon mas bulok na pala...
kaya sa baguio or sa launion poea na kami pumupunta pag umuuwi kami...
-
April 18th, 2006 02:07 AM #4
baka nagpapakabayani na din sila, mas ginagamit ang funds para sa mga OFW services kaysa sa sarili nilang office ...
-
April 18th, 2006 02:14 AM #5
baka kulang daw bigay kasi napupunta sa mga mataas na pwesto un kalakihang parte ng pera hahahaha
-
April 18th, 2006 03:59 PM #6
Eh, hello? Di ba ang laki ng budget ng education dito, kaawa-awa naman ang itsura ng mga opisina ng Dep Ed at CHED? Puro mga squatter pa sila! Ganoon lang yun, no budget ever goes to improving the offices of government agencies.
Ang pagbalik ng comeback...
-
April 18th, 2006 04:33 PM #7
The budget goes to the improvement of the officials' mansions and vehicles!
Kaya naman o parang d nyo pa alam hehe.
-
-
April 18th, 2006 04:50 PM #9
Originally Posted by niky
to drive to the point... 70% of our national budget goes to paying debts incurred since the time of Macoy....
and, you don't see salaried workers / company officers complaining about BIR offices. hehe.
-
April 18th, 2006 05:02 PM #10
Originally Posted by chua_riwap
lalo na kung napapasyal ka doon sa higher floor nila,may mga leak ng tubig sa floor ewan ko kung tuwing dumadaan ako lalo yata dumadami ang mga butas or leak ,doon kasi nag audition mga Japayuki sa itaas,pag may aakyat makikisabay ako para makapanood ng mga sayaw,pag sinita naman ako ng guard ,mag pretend ako na syota ko ang isang sumasayaw na dancer (sabay kaway).hehehe abswelto ka na sabhin mo hinihintay mo langat matatapos na dance number nila
Ang canteen, di ko alam kung ano ang ibinibenta......pagkain ba o house and lot?
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines