Mga fellow tsikoteers and mga chiefs,
My ride is 1993 Nissan Sentra ECCS SS 1.6 B13 series. Ang unang problema ng kotse ko ay ang idling, tumataas, bumababa at may pagkakataon na biglang bababa at mamamatay ang makina. Pinalinis ko sa rekomendadong mekaniko ang throttle body, at yung tinatawag niyang servo. Gumanda na ang idling at hindi na bumababa at hindi na din namamatayan ng makina, pero ang naging kasunod na pangalawang problema ay kapag naka-on ang aircon, ang rpm niya ay mataas sa 1000, around 1500 pero kapag naka-off ang aircon , bumababa na ang idling niya , mababa sa 1000 , nasa tamang idling na gaya ng dati noong maayos pa ang kotse ko.Ang sabi ng mekaniko maaring may problema na ang servo, hindi na niya nakokontrol ang pagtaas ng rpm kapag naka-on ang aircon.Dapat daw palitan ko na ang servo. Mga chiefs, totoo ba na kung defective nga ang servo ay ito ang dahilan ng pangalawa kong problema? At kung ito ang problema, may mairerekomenda ba kayong auto supply na pwede kong mabilihan ng servo para sa kotse ko? may idea ba kayo mga chiefs kung magkano ang servo na surplus? Kung servo na bago, magkano kaya? Please help mga chiefs, mga tsikoteers. I need your advise.Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa inyong advise mga Chiefs. God bless.

Mar