Results 1 to 10 of 998
Threaded View
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2014
- Posts
- 1,318
October 18th, 2020 07:19 PM #20Dahil sa COVID, medyo alangan pa ako dalhin kotse for PMS, although mileage wise and engine oil quality wise, okay pa naman. Though more than 1 year na yung fully synthetic oil, di siya magaspang or malapot or maitim/dark. Need ko lang magtop up ng mga more or less 1L since half level siya sa dipstick between min and max level.
Naisipan ko din check sana coolant. Puno naman radiator ko near the filler/radiator cap, no overheating or above normal level issue yung temp gauge. Pero, pansin ko lang ngayon, yung reservoir. Yung indicator niya kung san nakasulat ang MIN and MAX Level sa Reservoir, hindi mo makikita talaga kasi asa vertical face siya ng reservoir and may nakaharang na ibang part sa loob ng engine bay. Ang visible lang na "letters" is MAX, pero yung min di mo na talaga makita. Inilawan ko na flashlight, pinihit ulo ko kung anu anung angle para lang subukan kung makita ko yung coolant level sa loob ng reservoir, wala talaga. Di talaga makikita unless meron ka maliit na camera (ala endoscopy) na pwede itutok pababa para makita mo yung video feed, or talaga baklasin mo yung reservoir para lang makita.
Di mo din pwede sundutin ng isang rod or "Stick" papasok sa reservoir from the top kasi may horizontal fins/baffles siya, mga 3 levels based sa ocular check ko. From the cap pa lang may harang na kaagad na need mo divert/liko yung stick kung gusto mo pa tumuloy pababa sa lower level. Para daw itong "3 chambers" sa overfill ng coolant kung nasobrahan ka lagay, sa intindi ko sa manual.
In terms of DIY Maintenance, medyo kamot ulo lang siya na item bakit ganun ginawa sa indicator. Yung korte/shape ng reservoir gets ko, kasi siniksik nila na compact siya. Downside is di mo talaga makikita with any line of sight yung coolant level sa reservoir.
Kaya ngayon ko lang sinilip kasi 35k kms total mileage palang ako and wala naman talaga issue. Di naman siya nagarahe this year but minimal lang talaga mileage compared to normal. Dapat sa next PMS ko papalagay na talaga ako coolant eh alanganin pa mileage, DIY ko na lang sana yung topup. Sayang din pa PMS kung di pa talaga kelangan.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines