kwento ko lang nangyari kahapon..

after namin mag lunch sa isang resto kahapon. nauna akong lumabas para istart at paandarin muna aircon ng Montero kasi nakabilad sa init. binukas ko bintana para pasingawin yung init then lumapit yung guard at sinabi sa akin;
Guard "Sir, di ba kayo natatakot gamitin yan?"
Me: Ha eh bakit naman?
Guard: Kasi sir pinaguusapan ng 2 driver dito kanina na umaandar daw mag-isa ang montero. kaya yung isa daw eh magre resign na sa amo nya after christmas kasi montero yung sasakyan. natatakot daw sya baka yung ginagamit nyang montero eh saniban daw bigla ng demonyo..
Me: Natawa na lang ako..

influence nga naman ng media sa perception ng mga tao..