Results 1 to 2 of 2
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2010
- Posts
- 16
April 17th, 2010 07:14 PM #1tanong ko lang po saan kaya ang coolant temperature sensor ng 4G16 engine? dalawang sensor kasi yung kalapit ng thermostat. Yung isa 2 wires ang connection tapos yung isa 1 wire lang? Alin kaya dun sa dalawa?
recently kasi yung temperature gauge ko biglang tumaas sa hot tapos baba ng konti taas ulit. sure naman ako ng mataas ang coolant level ko. na check ko rin naman thermostat, bumubukas naman pag nilagay ko sa kumukulong tubig. kaya naisip ko baka sensor ang problema.
bukas subukan ko start yung engine, sana hindi bumaba ang coolant level. or else hindi sensor ang problema kundi nagoverheat lang talaga at nadamage yung head gasket.
baka alam nyo kung paano rin e-test ang sensor? salamat.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2009
- Posts
- 429
April 17th, 2010 07:53 PM #2
usually mas malaki yung coolant temp sensor(sender) kesa sa thermistor ng auxiliary fan. Subukan mo muna linisan silang 2 pati yung mga connections nila. Pa test mo sa electrician once na nabaklas mo kasi may required value ang resistance nila (hence the term "thermistor") para mag function ng tama