Quote Originally Posted by roelrpt View Post
Wow the guru of mod king sa fofi.. Sad to hear for your brothers mirage. Konti palang po meron dito, sana meron pong makatulong sa inyo.. Next project naba si mirage for mod?? God bless sir viva
God bless likewise Sir.

Not sad news at all. He is very happy with his toy. Maliksi daw sya NLEX. Buong araw nya pinasyal para ma gamay kaagad. Ako kasi I tend to anticipate emergency situations kaya gusto ko mapaandar yung spare key. Gabi na kasi kaya tinigilan na muna pagbubutingting. Nakakahiya yung alarm sa neighbors.

Hindi ko siguro ito makakatay tulad ng LiMo namin. Walang hilig si Kuya sa mods. Ayaw ko naman masisi kung me pumalpak kaya wag na lang.

Babalitaan ko na lang kayo as I observe things.

Tonight I had a quick glance at the engine cavity. Pasensya na kung i compare ko sya sa Fiesta or Honda City kasi yun lang meron kami.
My general impression is nagtipid si Mitsubishi para mababaan ang presyo. Tamang diskarte lang ito dahil hindi naman lahat tayo amoy pera. Bakit kamo? Eto:
1. The engine air intake is within the engine cavity itself. Less expense on a flexible air hose from an exterior source going to the engine. I understand cold air is best for engine performance.
2. The wiper fluid and coolant reservoir seems made of brittle plastic. I have no proof dahil hindi ko naman binali.
3. The bumper is bolted down instead of those black plastic fasteners
4. Yung wiring cover hindi yata sapat kaya binalot pa ng electric tape.

Practical car hanap ni kuya, yung tipid sa gas. Papatunayan pa namin. Kung porma at dating and hanap, medyo biased parin ako sa Fiesta.

Finally, I think the alarm is a third party accessory installed by the dealership and not integrated enough to sense the use of an emergency key.

On the safe side nga naman ito just in case mapa duplicate yung manual key.