New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 55 123451151 ... LastLast
Results 1 to 10 of 541
  1. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    728
    #1
    This was an interesting topic in a radio talk show.

    Where you ever bullied when you were still young? And how'd you get back at them?

    Anyway, back in grade school/high school I had a "bright future in politics" - always class president and peacemaker, which actually shielded me from bullies.

    However there was one time I was bullied by this basketball jock. (13 years old and 5'7'' na sha.) So I used my "presidential powers" :lol: to take down the bully. I put chili on the class water dispenser styro cups, and when everyone was victimized I told the teacher I saw the bully do it, with my most honest face. The verdict: One weeks suspension plus 3 days community service.

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,163
    #2
    Noong elementary,- may mangilan-ngilan na bully sa eskwelahan namin dahil public school kami. Iyon bang tipong nai-inggit dahil medyo nakakasagot ka sa mga tanong ng titser.... Isa rin naman ako sa mga matatangkad sa klase namin. Kaya noong minsan na nanghamon na ng away,- sinapak ko kaagad ng walang sabi-sabi. Siyempre awat na ang mga kaklase naming babae bago pa naging bugbugan.... Ayon, sa opis ng principal kami dinampot.... Pero, hindi na pinapunta ang mga magulang ko dahil pinsan ko ang Asst. Principal... Yari ako noong malaman sa bahay.... Anyway, hindi na ako kinanti noong kaklase ko.....

    Noon namang high school, first year- ganoon din. Public school noong elementary at private naman noong high school. Mayayabang ang mga kaklase ko dahil mayayaman sila at kumpleto sa mga gamit. Ako ay simpleng estudyante lang... Makulit ang isa at panay ang tukso sa akin.... Paglabas ng classroom,- binigyan ko ng isa,- baligtad siya at sabi ko,- "sige magsumbong ka".... Aba, mabuti na lang at hindi nagsumbong,- kung hindi kick out ako pihado dahil Catholic school for boys ang eskwelahan dito sa SouthMM....

    Noong college, ganoon din, freshman year - medyo inggit din dahil nakakasagot ako sa mga recitations at exams. E, isang grupo sila ng mga lalaki sa exclusive boys school diyan sa Makati,- makulit iyong isa at nambabato pa ng papel... Palibhasa kasi, simple lang akong estudyante at talagang hindi makasabay sa kanilang mga binibili o ipinoporma dito sa exclusive school sa Maynila... Lumabas ako ng classroom at hinamon ko ng suntukan iyong pinakapasimuno.... Mabuti na lang at hindi ako pinatos... Mabait naman pala siya. Ngayon, best friend ko siya at palagi kaming nagkikita.... Inaanak ko pa ang panganay niya... Ang buhay talaga,- hindi mo masasabi kung ano ang magiging future....

    3505:kodak:
    Last edited by CVT; August 15th, 2007 at 10:50 AM.

  3. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #3
    medyo...

    kinder ako, meron grade 3 na lalaki na gustong kunin id ko. gusto lang magpaiyak, ayun nilundag ko mukha nya sabay sapak! hehehe!

    elementary days medyo nerdy dating ko since tahimik lang ako lagi.(sa loob pala kulo) lahat ng bullies ng batch namin napabagsak ko kaya ako naging takbuhan ng mga biktima ng mga bullies hanggang high-school.

    high school lumipat ako ng ibang school. nung freshman ako medyo madami nagtatapang-tapangan sa batch namin. lucky for me yun mga barkada ko sa neighborhood namin eh seniors at upperclassmen namin saka identified ako na barkada ko sila kaya wala rin nangangahas mangbully sa kin.

    college.... iba kasi kultura sa up eh! so kahit nag-transfer ako ng school wala ako naging problema since malaki respeto ng mga teachers pati mga fratmen kapag galing ka ng up. advantage din kapag malaking tao ka hehehe!

    naalala ko pa nung college ako, may tinayo kami organization ng mga bands. kinatakutan kami nun kasi most members eh mukhang hippie! malalaki at long hair tapos tadtad pa ng tatoo! ako lang yata mukhang disente nun at hindi mukhang rakista

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #4
    Nope... sa mga schools na pinuntahan ko walang ganung cases ng bullies.

    Sa Lourdes QC dati meron... nahuli nung teacher namin namin na nilalaro yung tali ng flagpole. Ayun, nilagay yung tali sa ulo nya tapos pinatayo lang sya. Lumabas ako ng room para tingnan at pagtawanan. AMP! Sinundan ako sa CR tapos suntok sa tyan... pero di ko pinansin sa sakit ng tyan ko sa kakatawa sa kanya. :bleh:

  5. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    1,273
    #5
    Hindi naman. Nung elementary and highschool ako may tagasulat ako ng notes, lalo na kapag Home Economics namin :trampoline:. Hindi ko binu-bully yung tagasulat ko ha, friend ko rin yun. In return naman kase pinapa-kopya ko sha sa mga quiz, pag exams naman, kanya kanya na lang ng diskarte, hehehe.

    In terms of away, wala naman nang away sa akin, kse lahat friends ko. :grouphug1:

  6. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #6
    Wala naman. Takot lang nila! Kasi malakas akong umiyak, yung tipong dinig sa kabilang baryo, hehehe.

    Tsaka yung mga sinasapak ko lang noon ay yung kayang-kaya kong bugbugin at hindi magsusumbong sa teacher.

  7. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,702
    #7
    I was bullied in grade school a lot... actually, teased by the big boys... then when I ballooned in Grade Seven, no one bothered to bully me, anymore...

    Ang pagbalik ng comeback...

  8. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    335
    #8
    yup, when i was in college. naculture shock ako..kasi from elem to HS eh all girls tapos nag-coed ako...ayun..yun mga lokong blockmates kong guys eh lagi akong inaasar kasi daw may sundo pa ako lagi eh laki ko na at grade conscious daw ako... ayun..sa inis ko..sinumbong ko sila sa Head ng Guidance!!! my Aunt! hahaha!!!
    after that di na ako ginulo ng mga loko!!!

  9. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    335
    #9
    at nung nagwowork na ako..may colleague ako na binubully lahat ng girls... nung ako ang pinagtripan..ginawa ko sinampal ko sya at sinuntok yun ilong nya. :twak:

  10. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    3,346
    #10
    Quote Originally Posted by niky View Post
    I was bullied in grade school a lot... actually, teased by the big boys... then when I ballooned in Grade Seven, no one bothered to bully me, anymore...
    hahahaha...
    iam3739.com

Page 1 of 55 123451151 ... LastLast
Were you bullied back in grade school/high school or even college?