natural ang tsismis kahit anong kumpanya pa man yan, worse yung iba may namumulitika pa. ipagpatuloy mo na lang yang ginagawa mong pang dededma wala ka din namang mapapala sa tsismis baka mapaaway ka pa.
one way to protect yourself from gossip is not to reveal anything personal about you and your family.sa dati kong kumpanya 6 yrs na ako nagwork dun pero wala ni isa man sa mga kasama ko sa work ang alam tungkol sa mga personal na buhay ko like ilan kami magkakapatid at sino mga magulang ko.samantalang alam ko na lahat storya ng buhay ng mga kasama ko.ang bilis kase kumalat ng tsismis at ang nakakatawa pa ibat ibang version pa ng tsismis ang lumalabas daig pa ang showbiz hehehe. di naman sa walang tiwala sa tao, i have lots of friends outside the company pero di mo rin kase masasabi kung sino talaga mga kaibigan mo sa work.