Results 1 to 10 of 56
-
April 16th, 2007 09:08 AM #1
80' ka ba?
NAAALALA MO PA BA ANG PANAHON NA...
1. Pogi ka kung kasama sa porma mo ang Sperry Topsiders, K-Swiss, Espadrilles (na pinilahan mo pa sa Whistle Stop o sa Cash and Carry), Tretorn or Dragonfly sneakers, white Spartan sneakers,
argyle socks, woven leather belts, Chaser, Lacoste, Ralph Lauren at
iba pa, one-size-fits- all Hanes T-shirt with the print of your favorite New Wave band, pabangong Chaps, Bowling Green, Gray Flannel or Kouros, Denman brushes, Dippity Do or Dep hair gel, Bermuda shorts worn with plaid long-sleeves.
2. Macho ka kung ang porma mo ay parang kay Don Johnson ng Miami Vice at kung naglalaro ka ng football o nag-aaral ka ng *** kwon do or marunong mag butterfly kick tulad ni Ralph Macchio sa Karate Kid. Sobrang macho ka kung may pandesal ka sa tiyan habang nakasuot ng hanging shirt.
3. Pretty ka kung meron kang pencil-cut skirt (calf-length, three to
four inches above the ankle), pabangong Nenuco o De Ne Nes, permed hair a la Madonna or teased bangs na pinatigas ng Aquanet, shoulder pads ala Joan Collin a.k.a. Alexis Carrington in Dynasty), Benetton shirt, Esprit outfit at namimili ka ng gamit sa Sari-Sari, Tokyo Hannah,Tickles and Regina's in Shoppesville.
4. In na in ka kung napuntahan mo ang mga concerts nina Mike
Francis, Swing Out Sisters, Menudo, Earth, Wind and Fire, James
Ingram, Genesis noong unang punta pa lang nila dito sa Pilipinas.
5. Sosyal ka kung malimit ka sa Jazz Rhythm & Booze at kumakain ka sa Cafe Ysabel, Bistro Burgos, Dean Street Cafe, Angelino's and East St. Lois, Cosmo and Kudo's at nag-babakasyon ka sa Matabungkay Beach Club o Baguio Country Club.
6. Wala pang videoke kundi karaoke.
7. Ang preso lang may tattoo.
8. Akala mo'y magkakatuluyan sina Ate Shena at Kuya Bodjie.
9. Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.
10. Na-tsismis na bulati ang beef patty ng Jollibee.
11. Kinilig ka nang malaman mong ikakasal si Pops at si Martin.
12. Piso lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng
sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong
magtataho.
13. Lechon Manok pa ang pinag lilihihan ng taumbayan.
14. Tarzan, Jojo, Bazooka Joe, Clover bits at Tootsie Roll ang
pinagkakagastusan mo ng mga beintesinko mo.
15. Nagkakakalyo ka dahil typewriter pa ang ginagamit mo para sa mga school paper mo...kaya bentang-benta pa ang carbon paper at liquid paper.
16. Sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon no'n.
17. Cool ang bumati sa iyong crush sa FM radio.
18. May mascot pa ang 99.5 RT na binebenta sa Gift Gate.
19. Baduy pa noon si Lea Salonga dahil sa That's Entertainment.
20. Iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski dahil kuwarenta na
siya.
21. Egoy na egoy pa si Michael Jackson.
22. Si Harry Gasser ang newscaster ng bayan.
23. Kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang
balita.
24. Sintonado pa ang Eraserheads habang nag-ja-jamming sa Club Dredd.
25. Tinuruan kang mag-toning ng iyong nanay dahil kay Johnny Midnite.
26. Naglalagay ka ng pyramid sa tabi ng iyong unan para good vibes.
27. Nilalagyan mo ng watch-guard ang iyong Swatch.
28. Herbert Bautista was a campus politician.
29. P18 to $1 ang palitan sa black market.
30. May black market pa noon.
31. Illegal pa ang mga paputok.
32. Ang paborito mong tsokolate ay Chocnut at Mallows at candy na makunat at belekoy
33. Drag race sa Greenhills at Corinthians
34. Kumain sa Burger machine o sa Goodahhhh ng madaling araw.
35. Dalawang piso lang at Chippy at solong Coke.
36. Sikat ka pag aircon ang bus mo pauwi ng probinsya
37. Masaya ang feelings mo pag-kasama kang susundo o maghahatid ng kaanak sa airport (MIA)
38. Malaki pa ang size ng cell phone at hindi pa uso ang text.
39. paboritong pulutan sa kanto ay cornik na may sukang maanghang.
mga tsikoteers ano tingin ninyo?
-
-
April 16th, 2007 01:20 PM #3Kumain sa Burger machine o sa Goodahhhh ng madaling araw.
-
April 16th, 2007 01:49 PM #4
up to now, nagagawa ko pa din yun mga outfit ng 80's even sa ipod naka place lahat ng mp3 80's muzik... hehehe!!!
-
April 16th, 2007 01:52 PM #5
Ang galing! dagdag ko sa Max pa nanood ng PBA pag may laro ang Ginebra.
-
Tsikot Member Rank 2
- Join Date
- Dec 2002
- Posts
- 375
April 16th, 2007 02:01 PM #6Damn.... that brings back memories
makakaalaman na kung sino matatanda
I used to sell sperry topsiders (imitation) in my school as a sideline
-
April 16th, 2007 02:12 PM #7
80s din nauso yung black shoes na BLA-BLA, tsaka Tretorns na sneakers diba?
and the OTTO brand ng indian mocassins were a hit that time.
tapos "debaston" na pants. ang-hirap isuot kung walang zippers sa gilid.
-
Tsikot Member Rank 3
- Join Date
- Mar 2004
- Posts
- 2,053
April 16th, 2007 02:15 PM #8Ahhh...80's. Those were the days. :-)
Dream car ko noon ang Trans Am because of Knight Rider. Hehehehe...
-
April 16th, 2007 02:17 PM #9Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud
-