Ok din mag-invest sa smoke alarm. '96 pa yung mga alarm namin (First Alert) pero wala pang bumibigay. Just change the 9V batteries when it starts beeping slowly. Nasa box naman kung saan ka dapat maglagay ng smoke alarm (as per U.S. building codes).

Minsan promo pa sila. Either makakamura ka sa maramihan or may kasamang fire extinguisher. Meron ding gas leak at carbon monoxide detector ang First Alert. Kamukha din ng smoke detector ang hitsura. Yung gas leak pang-kusina, yung carbon monoxide pang-garahe.

Turuan mo din mag-handle ng fire situation ang mga kasambahay mo kasi minsan sila lang naiiwan sabahay. Turuan mo gumamit ng fire equipment, tumawag sa bombero, etc.

BFP nagbibigay ng seminar paminsan minsan. Try mo sila tawagan kung saan ang mga schedule nila at baka pwede kang makisabay. Nung highschool ako nagpunta sila sa school and nag-demo pa.