Results 1 to 10 of 19
-
June 22nd, 2009 12:22 PM #1
"First of all, hindi ako sure if may nag-post na ng ganitong topic. Pasensya na lang mga bro kung naulit ko. Anyway, i hope it'll be alright."
Hindi na tayo bago sa mga bastos sa kalye. Meron kasing mga taong natuto lang magmaneho ay akala mo hari na ng kalye. Hindi ko naman sinasabing "santo" ako, minsan ay nagmi-misfire din.Kaya sa thread na ito ay mag share tayo ng experiences natin with these road JeRkS and how you reacted on the situation.
I'll start with mine, last week lang. Nadaan ako sa Sampaloc area. Alam naman natin na masikip ang karamihan ng streets dun na pinaparadahan pa yung 1 side nito. May nakasalubong akong maroon Starex van (i decided to withhold the plate#), magkabilaang dulo kami. Mas malaki siya kaya I decided to let him pass first, which he gladly did. Midway, bigla itong huminto... sa tapat ng 1 bahay. Tapos, lumabas ang mga sakay nito at nagsimulang mag load ng mga gamit. Catering service yata sila. I sat patiently and clocked 2 minutes. After this time, nag flash na ako ng headlites ko to make them aware that someone needs to pass thru that road too. Nag flash din siya. Akala ko ay OK na. Another 2 minutes passed pero tuloy pa rin silang nakabara. Bumusina ako, discretely. Tapos sumigaw yung driver/owner na umikot na lang daw ako (which is another 2 blocks away). Sa mga oras na yun ay gusto kong . . .
ang mga ito! Pero naisip ko na ang asar ay talo... medical bills, lawyer fees, etc... So, iiling-iling na lang akong umatras at umikot sa adjacent street. Katakot-takot na mura ang pinawalan ko sa loob ng car. Siguro sa mga oras na yun e pwede akong i-hire ni Eminem na gawing lyricist nya.
Ang sa akin lang e siguro planado naman nila na magkakarga sila ng gamit. Bakit hindi na lang pinauna yung kasalubong. At saka pwede naman siyang mag park sa tabi which is not far from the house, kaunting lakad lang. But then again, hindi pare-pareho ang isip ng mga tao. Ika nga sa mga Arabo e Mafi Muk, Muk Hada!Walang isip, kung meron man ay nasa talampakan!
So, blog away!!!
-
June 22nd, 2009 09:12 PM #2
^^kakaasar nga yan bro... kung ako yan, bumaba na ako ang nabigyan ko ng lecture yang driver.
-
June 22nd, 2009 11:48 PM #3
What you did was right. Mas maganda umiwas sa gulo.
Sa Cavite, 6 ang patay just because of a mere traffic altercation.Last edited by Horsepower; June 22nd, 2009 at 11:52 PM.
-
June 23rd, 2009 02:50 AM #4
Sa palagay ko since natuto tayo magmaneho and gumamit ng sasakyan, kasama na yata talaga sa buhay natin yang mga ganyan pangyayari minsan kailangan lang talaga natin mag pasensya pag nandun tayo sa ganung sitwasyon, cool lang talaga dapat kasi pag hindi malamang masama kakahantungan
-
June 23rd, 2009 08:15 AM #5
Kaya nga walang asenso dito sa atin, sa kalye pa lang "chaos na", tama ang ginawa mo at umiwas ka na lang sa gulo.
-
June 23rd, 2009 09:31 AM #6
Mahirap ang engkwentro sa ganyang mga bagay. Lalupa at mukhang teritoryo nila ang lugar na iyan..... (Nag-a-unload din iyan, katulad ng insidente sa Cavite....)
8101:oops2:
-
BANNER BANNER BANNER
- Join Date
- Jun 2008
- Posts
- 1,439
-
June 23rd, 2009 11:40 AM #8
The driver's stupid! Pero tama lang ginawa mo bro, para iwas na lang sa away pero nakaiwas ka nga argabyado ka naman. :um:
Mga tao nga naman
-
June 23rd, 2009 03:56 PM #9
Not really agrabyado. It was nothing. Wala naman nawala sa kanya. Ego lang yan.
Even if you have high powered guns on board and ergo, have the upperhand, problema pa rin yan after (unless self defense of course which can be aided by brilliant lawyers and connections).
-
June 23rd, 2009 11:22 PM #10
Halos ganyan din nangyari sa akin quite a few years back. Palabas ako
ng Quad Carpark (Makati) and turned left on my way to Pasay Road (Arnaiz
Ave. na yata ngayon). Since hindi kalayuan ang Pasay road sa carpark, napansin ko agad na near the corner meron isang van and isang sedan na nakatigil sa gitna ng kalye. Meron tatlong lalaki that were unloading some stuff from the van into the car. I was the 3rd car in line sa humahabang linya ng kotse na napatigil dahil nakaharang nga sa daan itong 2 sasakyan.
This went on for about two minutes, maraming dinidiskarga yung grupo (damit,some bags, small boxes etc). Yung kotse sa likod ko bumusina na at soon nagsunuran na lahat (mga 8 to 10 cars na kami nakalinya), bumusina na kami lahat kasi nga parang nananadya na itong mga mokong -taking their sweet time at hindi man lang pinapansin kaming naghihintay.
Suddenly one of the guys went inside the van and came out carrying an
armalite (M16) rifle. He stood right before the first car and stared at us coldly
without uttering a word. Biglang nahinto yung mga busina and I noticed the
drivers of the cars in front of me suddenly lower their heads trying to avoid
eye contact with the gun-weilding maniac. Sa akin na ngayon nakatitig yung
mokong. Bigla akong nagpadedma at kunwari nag-adjust ng radio.
Nung napansin niyang walang pumapalag at tahimik na, the group went back
to loading the car. This went on for another five minutes. Nung natapos din,
biglang sakay sa kanilang mga sasakyan yung grupo sabay harurot - yung van
kumaliwa sa Pasay Road at yung kotse naman kumanan.
On the way home, instead of being angry, I just kept on laughing kasi it
turned into a comical situation especially yung reaction naming lahat na
kanya-kanyang dedma (ok, naduwag is a better term) nang labasan kami
ng armalite nung isang mokong.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines