Results 1 to 10 of 47
-
July 15th, 2006 10:12 AM #1
nagmamano pa ba kayo sa mga magulang niyo at nakakatanda pag dumarating ng bahay o pagkatapos magsimba?
gumagamit pa ba kayo ng "PO" at "OPO"?
napapaisip lang ako kasi mga kamag anak namin dito sa norte eh hindi sanay pag nagmamano ako sa gumagamit ng po at opo sa kanila...palibhasa hindi na ganun ang mga anak nila na hindi lumaki sa pinas.
mejo nakakalungkot isipin pero ito ang realidad dito.
kayo?
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 10,620
July 15th, 2006 10:16 AM #2OPO,
nagmamano pa rin ako sa nakakatanda sa akin at pati mga anak ko.......
-
July 15th, 2006 10:20 AM #3
Yup....at this ripe age of mine, I still do that to my uncles, aunts, and lola'.....Me and my wife are trying our two kids to do the same but their tito's and tita's (which is from this new era) doesnt want them to....parang ang tanda tanda na raw nila kapag me nagmamano sa kanilang bata.....lalo na kapag kasama yung mga kaibigan nila or bf/gf......herehrherher kaya ayun bihira silang makapagmano sa nakatatanda sa kanila...pero kapag bumibisita kami sa mga uncles at aunts ko...(their lolo's and lola's na) we always ask them to do the same when we make 'mano' to them....lead by example ika nga.... and they do like it because whenever we leave their house our kids has a lot of goodies with them....herherherherher
-
July 15th, 2006 10:26 AM #4
Opo.
Pati mga pinsan ko with young children, tinuturuan po nila ... kaya minsan kakatuwa tingnan kasi sa dami ng Tito, Tita, Lolo, Lola pag Christmas Get Together ... dali dali sila, pila pila sa mano pagdating sa matandang bahay :-) yung iba kiss + mano din
-
July 15th, 2006 12:11 PM #5
opo kuya glenn, nag-po at opo pa rin ako. pero minsan lang sa mom ko. sanay na kasi ng walang opo. dad, po at opo. para kasing general yun e. hehe. nagma-mano din at kiss sa pisngi pagdumadating at umaalis sa bahay. yun lang po. di ko po nakakalimutan mag-po at opo sa mga nakakatanda. peace po!
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2005
- Posts
- 184
July 15th, 2006 01:10 PM #6Sa part ko naman. Di talaga namin nakasanayan ang pagmamano at paggamit ng po/opo. Yon lolo kasi namin ugaling kastila, ayaw na naririnig na nag-oopo kami dahil wala naman daw katumbas ito sa espanyol at english. Saka kasi pag nag-aaway daw kami ay wala na rin ang galangan so useless daw. Ayaw din nya kami gagamit ng ate at kuya sa magkakapatid. Talagang first name basis kami. Pero personally, gusto ko sa pamilya ko ay nandoon ang mga filipino traits na ito. English nga ang usapan namin dito sa bahay pero hindi pwedeng mawala ang paggalang sa nakakatanda at ang pagmamano. Saka ang gusto kong tawag sa akin ng mga anak ko ay TATAY, pero ang asawa ko nababaduyan sa akin. Pero okay lang, para sa akin, di dapat mawala ang mga lumang kaugalian na ito. Yong mga pamangkin namin sa America, bawal magsalita ng English pag nasa bahay. At bawal na magtagalog ng walang po at opo. Pagmamano at kiss ang iminumulat namin sa kanila. So far, effective at talaga nga namang mga magagalang at pinong kumilos ang mga bata. Malaki ang epekto nito sa kanila dahil nakikita nila ang kaibahan nila sa mga batang amerkano.
-
July 15th, 2006 01:17 PM #7
Opo, nagmamamano pa rin ang mga anak ko, lalo na pagkatapos ng misa.
Nahihirapan kami ng kaunti sa pagsanay sa bunso namin sa paggamit ng "po" at "opo" dahil Ingles ang gamit nilang wika sa paaralan at pati na rin sa bahay. Kaya gumawa kami ng patakaran na kapag kinausap namin sya ng Filipino, dapat Filipino rin ang sagot nya para masanay sya sa paggamit ng mga salitang nagbibigay ng galang.
-
July 15th, 2006 01:26 PM #8
wala pong "equivalent" sa visayas (where i grew up) ang po/ho kaya di po ako natuto sa paggamit nito. pero nong nag college ako sa manila and thereafter, natuto na rin po akong gamitin ito lalo na pagkaharap ko ang mas nakakatanda sakin. yun nga lang po minsan ay medyo baluktot ang paggamit ko nito(kahit tagalog ko minsan baluktot din hehe) kasi di po ako sanay.
wala akong nakikitang masama sa paggamit nito pwera lang kung yung tono ng nagsasalita ay di naman kagalang-galang. tulad ng mga security guard na mayayabang.. "pssst huy! bawal po pumarada dyan!!" may PO nga pero ang sama naman ng tono.
-
July 15th, 2006 03:16 PM #9
di rin ako sanay sa mano, pero i still use "po" & "opo". yan ang ayaw ko dito sa US, parang disposable mga elderlies, di kagaya sa PI na renerespeto sila. i like talking to older folks...good source of knowledge and wisdom and they always have stories to tell.
-
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines