Results 1 to 10 of 83
Threaded View
-
August 1st, 2013 04:17 PM #1
last night sa Robinson Galleria TGIF resto.
mga 8:00 pm habang naghihintay ako sa wife ko umiinom ako kape kasi libre kami sa TGIF dahil may privilege membership ako.
Isang big dude na mistizo at may itsura tingin nang tingin sa akin na alam ko naman na hindi ko sya kilala. Talaga sobra ang pagkakatitig nya sa akin.
Akala ko lang napatingin sya 30mins na ako nag aantay at umalis na yung nasa kabilang table baka kasi kami yung tinitingnan nya pero hindi talagang sobra na ang titig niya sa akin.
Biglang tumayo at palapit sa akin kinabahan ako baka kasi nagalit kasi napapatingin din ako sa kanya ang laki pa naman. At biglang umupo dun sa silya na kaharap sa akin at nagsalita " Hi anong name mo kanina pa kita tinitingnan at tumutingin ka din sa akin. Alam mo type kita"
Gusto ko sanang matawa kasi sobra kong kaba akala ko mapapaaway talaga ako yun pala bading ang gwapo pa naman. Ang sabi ko na lang pasensya na kasi tumitingin ka kaya napapatingin lang ako syo at sabi ko hinihintay ko kasi asawa ko.
Mabait naman habang naghihintay ako nakipagkwentuhan na lang din ako sa kanya kasi hindi naman bastusin... pero hanep ah maganda ang work at mataas ang position hindi mo akalain na ganun sya.
Hiningi nga ang number ko sabi ko pasensya na naintindihan naman nya at nagpaalam na din nung nakita nya padating na si roommate.
Tawa nga nang tawa ang roommate ko nung kwento ko sa kanya... Pangbading daw byuti ko.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines