Okay yun mga posts nyo ah. Takes me back to a time when my world was quiet and simple, when I was so happy and content (kahit mahirap lang kami) and when my nanay and late tatay were at their best. Ang sarap balikan....

1. Naliligo kami sa bukid kapag tag-ulan, ginagawa naming swimming pool.
2. Namimingwit at nagsa-salakab kami ng isda sa bukid at sapa.
3. Naglalaro ng patubig and harangan-taga sa ilalim ng liwanag ng bwan
4. Nanghuhuli ng mga firefly sa may puno ng manga at nilalagay sa bote.
5. Nanghuhuli ng kuliglig, nilalagay sa kaha ng posporo at pininpindot pare tumunog.
6. Naglalaro ng taguan na ang laruan at scope ng taguan eh ang buong baryo.
7. Kumakain ng tindang bibingka ni nanay.
8. Sumasakay sa malaking bisikleta ni tatay.
9. Umaakyat sa mataas ng puno ng samaplok para mamitas.
10. Nanghuhuli ng gagamba kasama amg mga kabarkada.
11. Nagpupunta sa Avenida para mamili sa Good Earth at COD.
12. Kumakain sa La Perla sa Avenida, tapo meryenda ng hamburger sa Dairy House.
13. Sumasakay sa PNR trains na malinis at maayos pa noon.
14. Gumagawa ng toys na gawa sa kahit anong bagay.
15. Ang aking first crush (crush ko pa rin sya today)
16. Ang aking first hearbreak (yung ding crush ko, pinsan ko pala sya eh - bad trip).
17. Ang tunog ng mga kawayan kapag humahangin.
18. Ang amoy ng pinipig kapag nag-babayo na sina lola.
19. Ang aking asong si Tootsie (niligtas ako sa muntik ng pagka-lunod sa ilog).
20. Ang aking kabataan na punong puno ng magagandang alala.

The only sad thing for me is that I had experienced a lot of things in my childhood that my children would never have the pleasure of experiencing.