Results 31 to 40 of 47
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Mar 2012
- Posts
- 107
September 11th, 2013 08:45 AM #31kasalanan ng wife ko kaya ako nagka in-grown nails...nung sinisi ko sabi nya para di ko daw sya makalimutan.
dati masakit talaga yung toe ko naapakan ng anak ko muntik ko na masapak.
-
September 11th, 2013 10:23 AM #32
pinatanggal namin ni esmi sa st. lukes yung akin late last year.
di ko makakalimutan yung doctor na ogags, tsaka nalang nilagyan ng anesthesia yung toes ko! binunot niya yung kuko from the root, napapamura talaga ako sa sakit!
nung tinurukan ako ng anesthesia wala man lang kagaanan ng kamay. t&ngina tuhog hanggang buto! kahit na may anesthesia na ang sakit nung tuhog niya! tapos tinira niya yung dalawang paa ko at inassume na si misis marunong mag drive!
nung nawala na epekto ng anesthesia yung dalawang paa ko parang nagliliyab sa sakit!
di nako babalik sa bopols na doctor taga na yun!
-
September 11th, 2013 10:33 AM #33
-
September 11th, 2013 10:35 AM #34
Ha ha ha!!! Saan St Luke's yan?
Sent from my GT-N7100 using Tapatalk 4
-
September 11th, 2013 09:48 PM #35
-
September 11th, 2013 10:26 PM #36
pwede naman pedicure na home service kung nag-aalangan kayo pumunta at makita sa salon
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2012
- Posts
- 186
September 11th, 2013 10:27 PM #37
-
September 12th, 2013 09:49 AM #38
-
September 12th, 2013 10:09 AM #39
ewan ko paano nakilala ni esmi itong si dr. kervorkian.
sa old building siya at lolo na. pakana kasi ito ni esmi, matagal ng pinagdidiskitahan yung ingrown ko.
una trinim lang yung kuko ko tapos nilinis (narelax pa nga ako dahil malamig yung alcohol). kala ko hanggang doon na lang. biglang kumuha ng bagay na matulis, iniiscrape niya yung ingrown at fungus daw. dito nako nangingiwi.
sinundot yung laman nung gilid nung toe ko pilit tinutungkab yung ingrown.
ANG MASAMA NITO HINDI SIYA NAGTATANONG KUNG MASAKET!
nung puro dugo na at napansin niyan di ko na kaya, tsaka na lang siya nag decide na maglagay ng anesthesia.
yung kalahati ng kuko ko ginupit niya tapos kumuha ng parang pliers para hugutin yung kuko!
nampotsa nararamdaman ko pa rin yung sakit kahit manhid na yung paa ko. binunot parang ipin!
yung pangalawang paa ko naman, sabi ko baka di ko kayanin, pero since andito na pumayag na rin ako.
sabihan ba naman akong, tignan natin kung kahit di nanraw lagyan ng anesthesia.
ganun ulit! sa sobrang pigil kong magmura, ang nasasabi ko lang "oh god, ouch, awww". sa hiya ko rin sa kaniya pero sa totoo lang gusto ko ng sumigaw ng PT§NGINAMO! alanghiya talaga ang sakit!
nagmanid yung dalawang paa ko so nakapagdrive pako papunta sa school nung anak ko. after ilang minutes, potsa, nagliliyab yung mga paa ko sa sobrang sakit!
kaya nung sinabi niyang balik ako para ma check!
no way! at ang taas nilang maniningil ng mga gamot at gauze.
yung 50pesetas lang pala sa mercury, 500 sa kanila!
huwag niyo ng itaning sakin yung pangalan dahil di ko na maalala pati si misis. basta sa old building ng st. lukes yung may 711.
demet!
-
September 12th, 2013 10:10 AM #40
Demet talaga yan, naknang!!!q
Sent using Lenovo via TapatalkFasten your seatbelt! Or else...Driven To Thrill!