ako gusto ko sa Subic. 3 years ago, napag usapan namin ng wife ko na willing kami mag relocate duon, yun lang wala ako gano makita ng IT job na same salary and benefits na nakukuha ko dito sa Manila hehe. saka walang mag babantay sa house namin sa Antipolo kaya hindi na namin tinuloy yung balak namin.

what we liked about Subic is walang traffic hehe. tapos sumusunod mga tao sa traffic laws, parang nasa US ka din. daming "duty-free" (yun pa ba tawag duon ngayon? hehe) groceries that sells imported goods na mas cheaper kesa dito sa Manila. tahimik duon, every morning pwede ka maglakad lakad or jogging near the shore, sa waterfront, kung nasaan yung mga restaurants. kung gusto mo mag beach, pwede sa Camayan or punta ka ng Bataan kasi ilang hours ride lang. saka pag gusto mo din bumalik ng manila, 2-3 hrs ride lang din.

kaya at least once a year nag babakasyon kami sa Subic, just to unwind kahit weekends lang. balak na din namin mag invest na buy ng house duon or near sa Subic, in the near future.