meron kaming customer na pinaikot ikot na kami, jumping from one bank to another. magissue sya ng check, then i-close nya, tapos papalitan ulit ng check from another bank, then close it again, tapos palitan ulit. ang reason nya palagi, kesyo magulo daw yung bank, palaging mali or mahirap kausap. now we've had enough. gusto na namin i-demanda.

marami nagsasabi na walang kwenta magdemanda ng estafa, aabutin daw ng ilan taon, and hindi daw worth yung time, effort and money kahit manalo ka.

pero meron din nagsasabi na dapat idemanda ko ng estafa para hindi na ulitin or para matakot.

pano ba magfile ng estafa? meron din kasi nagsasabi na hindi na kelangan ng lawyer, i-file ko lang daw sa court and the prosecutor will act as my lawyer? yung filing fee daw yung idedemanda ko ang magbabayad. tama ba ito?