Results 1 to 10 of 17
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2003
- Posts
- 48
January 18th, 2004 11:43 AM #1Do you still need to tell him/her the truth kahit po well-adjusted po ang bata at mahal na mahal naman po ng pamilya at ibang kamag-anak?
-
January 18th, 2004 12:56 PM #2
NO. as I said, what they don't know won't hurt them. what does the truth mean when love is all that matters di ba.
ikaw din nag-post sa kotse.com?
-
January 18th, 2004 01:38 PM #3
NO.. they will never know naman e.. siguro pag hinahanap ng tunay na parents.. pero pag kaganun ka adopted na un iba wala na pake
-
January 18th, 2004 01:53 PM #4
i think its best to tell them when they are old enough to understand.
-
January 18th, 2004 01:59 PM #5
saka may mga biologocal parents na pag nahanap sila ng bata ginagawa kinakuwartahan lang ang bata. biro mo gagawin e o-obligahin ang bata na tulungan sila, sasabihin na maswerte yung bata tapos tulungan naman sila at mahirap sila. kawawa naman yung bata na kino-konsensya na tumulung dun sa biological parents nya kasi ginagamitan ng emotional blackmail.
kung relative nyo ang parents ng bata e di na rin kelangan na malaman ng bata. gaya ng adopted brother ko, pinsan ko ang biological parents. ang kilala nya sa nanay nya e pinsan nya. kahit may konting kaya na sa buhay ngayon ang pinsan ko wala sila balak kunin ang brother ko, alam nila na di nila kaya ibigay ang love na binibigay namin sa kanya.
ang adopted daughter ko naman kapatid ng misis ko ang nanay, di rin namin papaalam syempre. saka walang adoption papers sa amin, diretso sa birth certificate nakalagay kami ni misis ang parents. expecting kami ni misis ng baby any time, due na nga next week si misis. pero ang "1st baby" namin syempre ang adopted daughter namin. wala din kami balak ipaalam sa kanya. mahal namin siya na isang tunay na anak, wala na mas importante pa dun di ba.
-
January 18th, 2004 06:46 PM #6
well... ayon sa mga experts, it's best to tell the child pag medyo matanda na siya, mga pag teen-ager na yung bata ata... i suppose the child does have the right to know this bit information about himself or herself.
pero nasasaiyo na rin yun, depende na rin sa sitwasyon siguro.
-
January 18th, 2004 06:53 PM #7Originally posted by ghosthunter
i think its best to tell them when they are old enough to understand.
Mahihirap kasing makisama sa isang taong mayroon kang itinatago. Irerespeto ko yung karapatan niyang malaman na hindi ko siya tunay na anak at ipagdarasal ko na sana ay maintindihan niya ang mga bagay na sasabihin ko.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jul 2003
- Posts
- 48
January 18th, 2004 07:07 PM #8Sir yebo, hindi po ako yun pero nabasa ko din. Pareho din kami ng sitwasyon pero ito mas kapareho nung sa inyo. Yun kay gorio (sa kabilang website), parang adopted brother o sister ata yun.
-
January 18th, 2004 09:43 PM #9
honestly, you have to tell them WHILE they are growing, para when the time comes na nakaka-intindi na talaga sila, you can tell them. my mom was telling me the same thing since i was seven years old, and while i was growing, she always tell me na adopted daw ako (esp. pag napapagalitan ako), syempre di ako naniniwala, pero when i was in grade 4 (around that time), sinabi na din nila yung BUONG kwento, and i am really adopted, pero parang wala lang, umiyak ako at first, pero eventually, nakalimutan ko na din about dun, kze nga love naman ako ng buong pamilya ko and i never felt na iba ako sa kanila... i have no plans of looking for my REAL parents, kze after all pinamigay nila ako dba!?
yun lang po... depende na din kze un sa pano mo sila pinakisamahan (ung bata), na up to the point na alam mo na kahit sabihin mo, di ka nila iiwan...
-
January 19th, 2004 09:22 AM #10
Nakakapraning advice ninyong lahat!
Walang consensus, pero lahat may point.
My .02, yes the child has the right to know. Besides, malalaman at malalaman din naman niya ito. Hindi ba kayo nanonood ng telenovela? hehehe
But i think its best kapag mature na yung adoptee, mga 20's na siguro sabihin, pag stable na ang personality at wala nang chance mag-feeling "ako kalaban ang mundo".