Results 1 to 4 of 4
-
February 12th, 2004 03:19 PM #1
Multa sa trapik sa bangko ang bayad -MMDA
Pilipino STAR Ngayon 02/12/2004
Upang higit na maiwasan ang mga argumento, panunuhol, pangongotong ng mga enforcer at mahabang pila sa mga redemption area pinag-aaralan ngayon ng MMDA na sa bangko na lamang magbabayad ng multa ang mga traffic violator at plano ring huwag ng kumpiskahin ang kanilang mga lisensiya at sa wiper na lamang ng sasakyan iiwan ang Traffic Violation Receipt o TVR.
Nais ni MMDA Chairman Bayani Fernando na gayahin ang traffic system sa Estados Unidos kung saan ang sinumang tsuper na lalabag sa batas trapiko at hindi na kailangang kumpiskahin pa ang kanilang lisensiya.
Kung wala aniya ang driver ng sasakyang lumabag sa batas ng trapiko sa wiper na lamang iipit ang kanyang TVR at ire-record ng apprehension officer ang numero ng plaka.
Nabatid na dalawang summons lamang ang matatanggap ng isang traffic violator na kapag binalewala ay awtomatikong magbabayad siya ng halagang P5,000.
Bukod pa dito, kapag minaneho o inilabas niya sa lansangan ang sasakyan, iimpound na ito ng MMDA at bibigyan lamang siya ng 7 araw na palugit para mabayaran ang multa hinggil sa nilabag niyang batas trapiko.
Layunin ng naturang hakbangin ay upang maiwasan ang argumento sa pagitan ng traffic enforcer at driver.
Maiiwasan din ang mga suhulan sa kalye
-
February 12th, 2004 04:52 PM #2
ayos yan! pero kailangan bawat isa satin maging cooperative for this suggestion. katulad sa marikina..the people really follows.
saka sana, ang LTO gumawa na rin ng paraan para madisiplina ang lahat ng Pinoy draybers.
and for the MMDA, i-train pa nila ng husto ang mga enforcers nila..mejo kulang din sila sa knowledge about traffic rules eh..
un lang pow.
-
February 12th, 2004 04:59 PM #3
Sana habang dumadami ang iyong Violation tumataas din ang iyong bayarin na Insurance kasi nga peste ka mga madla na baka maka-aksidente ka pa.
2 thumbs up yan! matuloy naman na sana. At sanay higpitan ang paggamit ng wang-wang!
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,754
February 12th, 2004 05:05 PM #4Ok yan walang masyadong abala sa mga dirver...kahit matikitan ka araw araw... hawak mo pa rin lisensya mo...