Yung mga farmer beneficiaries ng land reform, marami sa kanilan noong nagkalupa pina trabaho sa iba o kaya pinaupa kundi man binenta agad pagkatapos ng prohibition period. Bumili ang marami ng TV, Ref at iba pang appliances o di kaya ng jeep at namasada na lang. Marami sa mga lupa ay di na naalagan ng mabuti. Kulang na ang mga panggastos sa tamang binhi at pataba. Kalaunlaunan ay nasira ang mga appliances at ang jeepney ay panay na ang sira. Kaya ngayon marami sa kanila balik sa marginal farming o namamasukan na lamang. Masama pa marami sa kanilang mga anak ay nakipagsapalaran dito sa Kamaynilaan. Masuwerte na ang iba na nakakuha ng trabaho bilang OFWs.

Of course, may ilan din namang success stories, pero iilan lang ito.