Results 1 to 10 of 14
-
October 29th, 2005 09:08 AM #1
IBINUNYAG kahapon ng chair ng House committee on appropriations ang 'bring your own gun policy' sa Philippine National Police (PNP) dahil umaabot sa 21,204 pulis ang walang baril habang 14,700 sasakyan naman ang kanilang kakulangan.
Sa pagdinig ng P1.053 trillion General Appropriations Act (GAA) 2004, sinabi ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr., chair ng komite, na dumaing ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa matinding kakulangan sa kanilang hanay.
Dahil dito, sinabi ni Andaya na napipilitan ang mga pulis na bumili na lamang ng sariling service pistol hindi lamang mahuli sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Dahil naman sa kawalan ng pasa load sa PNP, sinabi ni Andaya na mismong pulis ang nagbabayad tuwing komokontak para sa isang lehitimong operas-yon laban sa masasamang elemento.
Bukod dito, sinabi ni Andaya na ngangailangan rin ang PNP ng 48 patrol boats para sa 810 coastal towns sa bansa.
"If our population grows by 1.8 million a year, then, ideally, we have to field 3,600 more policemen," ani Andaya.
Humihirit ang PNP ng P35.6 bilyon badyet kung saan P32. 2 bilyon ang mapupunta sa suweldo ng 119,893 uniformed at 5,611 administrative support personnel
************************************************** ********
'bring your own gun policy"....pati na din bala ..tapos doon sila kukuha ng pambili sa mga kasabwat nila na sindikato..hehehe
-
October 29th, 2005 09:25 AM #2
ang hirap sa kanila kasi bibigyan nga ng bago wala naman pang maintenance...
-
tsikotilyo
- Join Date
- May 2005
- Posts
- 473
October 29th, 2005 09:58 AM #3kaya naman napipilitan kumapit sa mga goons ang mga iyan kasi nagtatrabaho ka nga wala ka namang pang bili ng kung ano kailangan,lalo na pag nagiimbestiga ng kaso kaya tinatamad na, mas masarap nga naman yung marami kang raket kesa sa wala.
-
October 29th, 2005 07:40 PM #4
Matagal na yan. Noong 80's pa ito, minsan nga napasyal ako sa isang lugar sa Pangasinan, isang island ito (Anda at pangalan), nakakita ako ng pulis, naka-bisekleta lang, at batuta lang ang dala, walang baril, pero naka-uniform naman.
-
October 29th, 2005 11:16 PM #5
So what else is new...
Ganun din sa military. Nakakaawa ang mga sundalo sa front lines.
Butas-butas ang uniporme at boots, ang canteen nila ay bote
ng coke. Samantala ang mga generals naglalakihan ang mga mansion
at panay byahe ng pamilya abroad.
Corruption is the cancer that's eating our country alive!
-
October 29th, 2005 11:48 PM #6
kaya hindi mo rin masisi ang ibang police at militar .kung bakit pumapatol sa mga maling gawain ..aahin daw nila ang sinumpaan tungkulin or prinsipyo kung kumakalam na sikmura nila or nag hihirap pamilya ..tapos may nakikita pa sila na kasama nila na maluwag sa buhay pero alam nila mas magaling sila doon ....pero di naman lahat ng police or militar ay ganon . meron din mga tapat talaga sa serbisyo..baka tumanggap man ay konti lang ..pang beerhouse lang ba
-
October 30th, 2005 12:28 AM #7
Originally Posted by buriroy
Naalala ko tuloy nu'ng kasagsagan ng operations ng Marines against Abu Sayyaf noon sa Mindanao (joint operations with the US). Ang Ch. 2, sumama sa isang operations nila. Kawawa ang mga sundalo natin. Imbes na boots ang suot nila, rubber shoes ang proteksiyon sa paa! Yung isang sundalo, may baon pang buhay na manok, nakasungaw yung ulo sa butas na napsack. Pati yung field reporter, natawa, nung makita yung baon na manok, buhay!Sawa na raw sila sa araw-araw na sardinas! While yung counterpart nilang mga US forces, sagana sa pagkain at prutas. Ganda pa ng tinutulugan nila. Yung namang mga Marines natin, nagkasya na sa duyan matulog!
Yan ang AFP natin!
-
October 30th, 2005 12:54 AM #8
Eh paano maging kulang kasi ginagamit ni misis ni ser ang service para sa opisyal. Lecheng mga abusador na general na to!
-
October 30th, 2005 03:39 AM #9
ayaw kasi bigyan ng matataas na pulitiko ng baril ang mga ordinaryong police coz baka gamitin laban sa kanila hehehe
parang yun mga lito lapid, philip salvador, rudy fernandez, fpj movies. isang pipitsugin pulis or pulis probinsya laban sa private army
-
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines