New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 27
  1. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,046
    #1
    Share ko lang po yung nangyari kanina. Daily akong naka park sa parking lot ng train station. Nang pauwi ako doon ko din nakita yung isang lalake na kumuha ng pic ng harapan ng sasakyan ko. Yung angle ng pagkuha nya ng shot parang sinadyang kunan talaga ang license plate ko. Stock ang car ko hindi kagaya ng previous car ko na modified kaya hindi ko maisip na may magkakagusto na kunan ng litrato ang car ko. Nagkasalubong kami kaya tinanong ko kung sya:

    Ako: did you just take a picture of my car including my license plate?
    Siya: yup
    Ako: what's your purpose of taking a pic of my car including my license plate? Take all the pictures you want, but i don't want my license plate included.
    Siya: it is my right under the constitution to take any picture that i want.

    Dito na nagsisimulang mag init ulo ko kasi identity ko lang ang iniisip ko pero sya ay ginagamit na ang constitution.

    Ako: i don't care. My license plate is my identity. I demand you delete the pic.

    Inaalala ko ang mga pwede nyang gawin sa pic ng car ko na naka exposed ang license plate ko.

    Siya: you are in a public parking lot. You have no right to privacy.

    naisip ko tama siya pero syempre iniisip ko pa rin ang pwede nyang gawin sa pic na nakalagay ang license plate number ko.

    Ako: will you delete the picture or will i be forced to make you delete it?
    Siya: I am protected by the constitution. It is my right to take any picture that I want.

    Pu*?!$ In*$& constitution yan sabi ko sa sarili ko kasi seguridad ko pa rin ang nasa isip ko. Dalidali kung inilagay sa loob ng car ang mga gamit ko tapos bumalik ako sa kinatatayuan nya (harap ng car ko). Nagmamatigas pa rin. Dali dali kung tinignan kung saan ko sya pwedeng idis-able in case na armado sya kaya doon ako lumapit.

    Siya: you are threatening me.
    Ako: (LOL) i have never threatened you.
    Sya: you just did. (oo nga kanina)
    Ako: will you please delete the picture showing my license plate?

    Ayaw pa rin kaso nakita nya sigurong namumula na mukha ko. So pumayag din. Tinignan ko. Mukhang na delete naman nya sa iphone nya. Nagpasalamat ako at umalis na ako. Then nasa likod ko sya parang napansin ko na nag snap na naman sya ng pic sa likod ko. Doon ko naisip na baka member ng carnap ring at ginagawa ang kanyang homework. So pinauna ko sya saka ko sinundan. Napansin nya. Naghabulan kami habang kausap ko daddy ko sa phone at pinapasulat ko plate number nya. Hahabulin ko sya hanggang sa bahay nya ang nasa isip ko then nakasalisi sya sa traffic at ako ang na stuck, so nawala ko sya.

    Anyway, alam ko mali yung nakipaghabulan ako pero gusto ko lang kunin ang kanyang plate in case na may mangyari sa car ko. Paranoid ba ako dahil sa mga nakikita kung pics na naka post dito or tama lang na mag worry ako? Anyway hanap muna ako ng bagong parking spot bukas at sa mga susunod na araw.

  2. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #2
    Baka naman may mali sa parking mo sir, tapos ipopost dito sa tsikot ...

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,046
    #3
    Quote Originally Posted by renzo_d10 View Post
    Baka naman may mali sa parking mo sir, tapos ipopost dito sa tsikot ...
    Hehe di naman sir. Nagiging aware ako kung paano mag park sa public parking space since may tendency na gasgasin ang kotse mo dito pag asar sila sa pagpark mo.

  4. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #4
    Quote Originally Posted by n2knee View Post
    Hehe di naman sir. Nagiging aware ako kung paano mag park sa public parking space since may tendency na gasgasin ang kotse mo dito pag asar sila sa pagpark mo.
    Hmmmm. If that's the case, what could his motive be ?

    BTW sir, what was your car and what was his that time ?

    Baka naiinggit ?

  5. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    316
    #5
    sir baka nga modus yan. yes, pwede siya kumuha ng any pic that he like, pero a car is a private property, tapos he made sure to get your license plate? hmmm...?

  6. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    1,114
    #6
    baka stalker mo

  7. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,902
    #7
    Quote Originally Posted by renzo_d10 View Post
    Baka naman may mali sa parking mo sir, tapos ipopost dito sa tsikot ...
    Namiss ko na yung mga thread na yun baka na-post na yung tsikot ko dun ah.


  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #8
    Guy doing his homework for "Car Cloning"?

  9. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    1,093
    #9
    Pa-blotter mo plate number at hitsura niya. Para at least if ever kahit na wala siyang balak na masama, at least he will be somewhat inconvenienced when police stops him.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,872
    #10
    If that's his argument, you can take a picture of him while he's taking pictures of your car. That way, he'll know you at least have a picture of him if something happens to your car.

Page 1 of 3 123 LastLast
Very weird kanina a (someone taking my car's picture)