Results 1 to 7 of 7
Threaded View
-
April 29th, 2006 04:16 AM #1
got this from email...hindi ako nagbabasa ng mahahabang forwarded message pero nakakatwa talaga ito.hehehe
kakaiba talaga ang gobyerno.
pero nung ako kumuha ng tin sa bir main...opposite naman nangyari sakin.napakadali. lagi ako pinapalusot sa mga pila at tinuturo kung saan walang pila.that was 3 years ago yata.
gulat na gulat nga ako eh...sabi ko sa sarili ko..." yun lang yun!?"
herhehrehrehr
====================================
ONLY IN THE PHILIPPINES ...FUNNY BUT TRUE STORY.
Forwarded by Emily Abrera/McCann Erickson/MEP on 02/12/2003 03:57 PM
Subject: 15 minutes of fame
Dear Joey,
Kumusta sir. Naalala mo pa si Mjolnir? Yung anak kong gustong pumasok sa
McCann? May nakakatawang storing nangyari sa kanya. Nang nangailangan si
Jol ng TIN ay ginawa siyang pingpong ball ng BIR. So isinulat niya yung BIR
experience niya tapos nilagay niya sa internet. Biglang kumalat. Last time
I heard ay nasa L.A. na.
Anyway after 3 days sa internet ay nabasa ni BIR Commisioner Parayno yung
story. Pinadalhan kaagad si Jol ng TIN card via mail. Ang bilis. Ang
maganda pa nito ay nag-email kay Jol yesterday si Bart Guingona. Gusto raw
nilang gawing play. Tuwang tuwa si Jol. Sabi ko nga ay ang agang dumating
ng 15 minutes of fame niya.
Anyway here's his original story:
ADVENTURES SA KAWATANAN NG RENTAS INTERNAS
ni Jol Ong
Okay. So natanggap na ako nung November sa NCCA bilang researcher. Contract
employee lang. 3 months. May Yearbook project kasi sila at kailangan ng
extrang tao.
Okay lang ang bayad, kaso may 10% withholding tax, at siyempre, dapat may
Tax Identification Number ako. So tinanong ko yung boss ko- "Sir, di po ba
yung employer ang maglalakad ng TIN ng employee?" Sagot ni bosing- "Di ka
kasi regular employee kaya dapat ikaw ang maglakad ng TIN mo."Assurance
nung assistant ni bosing- "Okay lang yan, one-time hassle lang yan."
Ala ako problema. Sige, ako maglalakad ng TIN ko. Tutal, ano ba ang worst
case scenario? Mahabang pila? Red Tape? Naknamsiomai, sanay naman ako sa UP
e- kuhaan ng classcards, pila sa registration, pila sa graduation, etc.
Ako rin naman ang naglalakad ng registration ng beetle ko, at sa pagrerenew
ko ng lisensya, so okay lang.
Sabi ni bosing, dun daw ako mag-apply ng TIN sa BIR Main, sa may QC, para
mas konti ang pila! . May BIR din naman sa labas ng Intramuros, walking
distance para sa mga sanay maglakad, pero mas konti raw ang tao sa Main .
So, sige, nagpaalam ako, isang araw mag-aabsent ako para lakarin yun. Dun
ako sa Main, dahil malapit lang sa amin, tapos plano ko, dadaanan ko yung
ilang research materials sa UP. Solve!
Pagdating ko sa BIR Main, nagulat nga ako dahil wala ngang katao-tao. Ni
wala akong nakitang pila, maliban lang dun sa pila sa harap, dahil
tsinecheck nung sekyu yung bag ng mga tao. Nung pagpasok ko, wala pala
silang TIN forms. Wow. Naubusan ng TIN Forms ang BIR Main. Hanep.
Tinanong ako nung lalaki sa desk kung para saan yung TIN application ko,
sabi ko, para sa work. Tinanong kung saan ako nagtatrabaho, sabi ko sa
Intramuros.
"Dun ka mag-apply sa Intramuros." sabi nung lalaki.
"Di po ba puwede talaga rito?"
"Hinde, kasi sa Intramuros ka e, sila ang may hawak sa 'yo."
Okay lang, although medyo naburat ako sa efficiency nila. Ibig kong
sabihin, wow, Main BIR sila tapos una, naubusan sila ng TIN Forms,
pangalawa, ewan, ang laki-laki ng saklaw nilang lugar, ang laki-laki ng mga
building nila, tapos hindi nila ako ma-accommodate.
Taragis, e malamang sa kanila rin naman mauuwi yung records ko kung sa BIR
Davao o BIR Batanes ako mag-apply, dahil tutal, Main sila e, di ba? So ala
na akong magawa, ala rin silang TIN Forms, so useless din kung magprotesta
pa ako dun. So pumunta na lang akong peyups ( U.P.) for official
business,for the first time.
Hehehe!
Pagpasok ko sa work, sinubukan kong lakarin yung TIN application ko sa BIR
sa labas ng Intramuros, yung malapit sa port area. Pag-akyat ko sa
taas,hinanapan ako ng certificate of employment, at barangay clearance.
At dahil walang nagsabi sa akin na kailangan ko nun, lalo na yung lalaki sa
BIR Main , wala akong bitbit na requirements.
Pagbalik ko sa opisina, inexplain ko sa bosing namin yung problema.
Nakatingin sa akin yung bosing ko na parang nawe-weirdohan din at di
maintindihan yung paghihigpit ng BIR. Lintek, sabi nga nung isang workmate
ko, the fact na nag-apply na ako for TIN, dinedeclare ko na sa gobyerno na
puwede na nilang kupitan, err, kaltasan ang maliit kong suweldo.
Ako na nga ang magbibigay ng pera sa kanila, ako pa ang hinihigpitan.
Tanginang gobyerno yan, kahit kailan talaga pahirap sa mga tao.
Anyway, pag-aaralan pa raw nila kung mabibigyan nila ako ng certificate of
employment. Yung barangay clearance, ako na ang maglalakad. Plano kong
bumalik ulit sa BIR Main . Hindi ko na lang sasabihin na sa Maynila ako
nagtatrabaho. Yung ninang ko na may business, binigyan ako ng TIN Forms.
Form 1901, take note. Para sa mga regular employees. May pipirmahan sa
likod ang employer ko. After nito, dumiretso ako sa barangay hall namin
para sa clearance. Hiningan ako ng CV para sa file. Medyo naiirita na ako
sa puntong ito. Isipin mo naman kung gaano ka-hassle ang buong prosesong
ito, para saan? Para gawin ko ang
aking role bilang mabuting mamamayan sa pagbabayad ng tamang buwis. Anyway,
tinanong ako nung babae sa barangay hall kung may TIN daw ako. NaFafalo ako
sa noo ko.
Whoooooo!!! I LOVE THIS COUNTRY!!!!!
Okay! So may clearance na ako! Humingi na ako ng certificate of employment
sa bosing ko, at pinapapirmahan ko na siya sa likod ng Form 1901 ko. Kaso
sabi niya, hindi raw puwede kasi wala ako sa roster of employees ng NCCA.
Project employee lang ako e. So tinanong ko kung puwede ibalik yung mga
kaltas sa akin, tutal ala naman akong TIN e, at ayaw akong bigyan ng
BIR,kaya pu*#$%*na sila, di ko bibigay pera ko sa gobyerno!
Ang problema, hindi raw puwede yun. Tuloy-tuloy ang kaltas sa suweldo ko.
Kapag hindi raw kasi kinaltasan, sila raw ang malilintikan kapag nag-check
ng expenses ang NCCA, makikitang hindi binawasan ng suweldo ko. So tinawag
ngayon yung isang accountant ng NCCA para tulungan kami sa aming munting
problema. Hindi rin maintindihan nung accountant kung bakit hinihigpitan
ako ng BIR. Putsa, ako na nga ng magbibigay ng pera sa gobyerno, may gana
pa silang magpakipot. Sabi nung
accountant, yung kinaltas sa akin, mapupunta pa rin sa gobyerno, may TIN
man ako o wala, at hindi sa bulsa ng kung sinoman sa NCCA.
Well, dadaan muna sa gobyerno, sa BIR, bago mauwi sa bulsa ng isang
congressman, pero technically, alang problema dahil pagkahaba-haba man ng
prusisyon, sa simbahan pa rin ni s~tan~s ang tuloy. Ang difference
bale,kapag may TIN ako, dinedeclare ko lang na sa akin galing yung
kakaning-ibon na baryang portion ng pang-tip ni Mr.Congressman sa p*kpok
niya sa Pegasus.
Otherwise, mula kay Mr. Anonymous yung pang-tip niya.
Advise sa akin, sabihin ko na lang na freelance writer ako. Tutal, may
kaltas din naman daw kapag nag-freelance ka sa mga diyaryo. Tapos i-assert
ko raw na ako na ang pagbibigay ng pera sa kanilang mga letse sila kaya
dapat bigyan pa nila ako ng libreng chocolait at biskwet out of gratitude
mga hayop silang mga impakto sila.
Okay. So bumalik ulit ako sa BIR Main . As usual, ang pila lang ay yung sa
harap, kung saan nagtse-check yung sekyu ng bomba sa mga bag ng mga tao.
Anyway, babae na yung nasa desk ngayon. Pinakita ko na yung baranggay
clearance ko, at yung accomplished Form 1901 ko. Nung tinanong sa akin kung
saan ako nagwowork, inexplain ko na freelance writer ako kaya
wala akong regular employer, kaya walang nakapirma sa likod. Okay?
Okay. Hinde. sabi nung babae, since hindi ako regular employee, ibang form
dapat ang finill-up-an ko. At bigla siyang naglabas ng Form 1902 at binigay
sa akin.Whew, kinabahan ako dun a. Yung Form 1902, sabi niya, ay para sa
mga "mixed-income individuals," para sa mga taong hindi regular ang kita-
professionals, businessmen, at sabi niya, freelance writers.
Okay! Fill-up dito, fill-up dun, okay lang!!! Magkakaroon na ako sa wakas!
Inaabot ko na sa babae yung Form 1902! Eto na...
"Ummm, okay na? Ngayon, punta kayo sa West Ave.....Branch namin."
Nanlaki ang mata ko. Wow, nasira agad ang aking moment of triumph.
"Err! , hindi po ba puwede rito sa Main?"
"Hinde, kasi sa Project 6 ka nakatira. West Ave. Branch namin ang may hawak
sa inyo."
Naramdaman ko, parang umiikot-ikot ang paligid ko. Parang gumagaan ang ulo
ko, nanglalambot at naghihina ang tuhod ko. Bigla kong naramdaman ang isang
matinding pangangailangan na i-headbutt ang kausap kong babae sa desk. Sa
halip na isang headbutt,
nagtanong na lang ako.
"Puwede po bang ibang tao na lang ang maglakad nito para sa akin?"
"Oo, gawa ka ng authorization letter..."
Ah! Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib! Fafalakad ko na lang ito sa
nanay ko. hehehe. Paglabas ko, marami pa ring tsinecheckan ng bomba sa bag
sa harap. Ngayon alam ko na kung bakit. Ako rin gusto ko rin silang
bombahin.
Hindi ko pa rin mawari, nung araw na yun, kung ano pa talaga ang purpose ng
BIR Main. Nakangsiomai, dun sa maliliit na branches nila, siksikan ang mga
tao, milya-milya ang pila. Sa Main, ang lawak-lawak, pero di sila
nag-a-accomodate ng applications!
Sa kasamaang palad, hindi ako nakapagsulat ng authorization letter, at
masyadong busy ang nanay ko para ilakad ang TIN ko. Anyway, sabi niya sa
akin, may kaklase yung tita ko sa BIR West Ave. Kapag nagipit ako, hanapin
ko na lang yun. Okey. Sige. Isa pa, may Form 1902 na ako, baranggay
certificate, at yung excuse ng aking pagiging freelancer. Pila lang siguro
ang problema, pero okay na. Putsa, dapat okay na.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines