Results 11 to 20 of 150
Threaded View
-
June 27th, 2013 04:33 PM #1
1. Sa C.R: Gamit ang tabo, hagisan ng tubig hanggang sa bumaliktad ito. Buhusan ang nakatihayang ipis at hintayin itong mamatay. Malalaman mong patay na ang ipis kapag may lumabas ng nakakadiring liquid sa bandang pwet nito.
2. Sa Kwarto: Hampasin ng unan ang flying ipis hanggang sa manghina ito. Magsuot ng hand gloves, tapos kunin ang ipis at ilagay sa isang clear plastic bag (tip: hawakan ang ipis sa antenna nito). Siguraduhing buhay pa ang ipis bago ilagay ang kumukulong tubig sa plastic. Panooring maluto ang ipis.
3. Sa Dining Area: Gamit ang isang babasagin na baso, ikulong ang ipis na gumagapang sa mesa ninyo. Hayaang naka-kulong ang ipis sa loob ng tatlong araw.
4. Sa Garahe: Kumuha ng pelet gun at walang awang pagbabarilin ang flying ipis hanggang sa mamatay ito. Siguraduhing may suot kang combat head guard para hindi lumipad ang ipis sa mukha mo.
5. Sa Study Room: Kunin ang pinaka-makapal na Webster's dictionary mula sa book shelf at ibagsak ito sa ipis na gumagapang sa mga notebook mo.
6. Sa Sala: Kumuha ng mosquito killer bat (ito yung itsurang badminton racket na china-charge). Hintayin ang ipis na lumipad malapit sa'yo at tsaka ito kuryentihin gamit ang killer bat. Dapat maa-amoy mong sunog yung ipis para makasiguradong patay na ito.
7. Sa Kusina: Isuot ang combat shoes na tatay mo at tapakan ang ipis na gumagapang sa sahig. Siguraduhing "sqeeeeeeeeerrrrkkkkk!!!" Ibig sabihin nito, durog na ang flying ipis na gumagala sa kusina ng bahay ninyo.
8. Sa Sala: Kumuha ng baygon at isprayan ang flying ipis. Huwag titigil hangga't hindi nauubos ang laman ng baygon ninyo!
9. Sa Garahe: Gamit ang bagong biling walis tambo, hampasin ang ipis ng sampung beses (hindi pwedeng siyam lang, kailangan sampu). Panoorin ang ipis na naghihinalo atsaka buhusan ng gas at sindihan.
10. Kung takot na takot ka sa flying ipis at hindi mo kayang gawin ang ways 1-9, pumikit ka nalang at ipagdasal na lumipad palayo ang flying ipis. (dapat yung sincere)Last edited by CLAVEL3699; June 27th, 2013 at 05:11 PM.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines