sir , sa banawe, may nabilhan ako ng assy, ewan ko lang, kung taiwan o china., assy na siya, ang kintab nga nung housing, power side mirror ha. kaso, kapag naka menor, nanginginig yung salamin, he he, dapat mag rev ka ng konti para mawalai kinig. pero makalipas 3 mos, nasanay na ko. parang wala pang 3thou yata, hanapin ko uli yung pangalan ng tindahan. reply ka lang uli sa thread kung interesado ka pa, at babalikan ko yung mga luma kong resibo kung makita ko. nagtanong din ako dito sa forum, wala din makapag bigay ng tip dati. kaya nag tyaga ako sa gitna ng araw (at walang dalang sasakyan, baka madisgrasya pa side mirror ko dun, dami yata kawatan) at sa awa ng diyos, nakakita rin. nagulat nga ako, akala ko pang manual yung inaalok, pero powewr side mirror pala.