New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 8 of 8

Threaded View

  1. Join Date
    Dec 2015
    Posts
    32
    #1
    Hello po Mga master / experts / mechanic,

    I've decided to flush my cooling system and wanted to put coolant in it, yung binili po ng mekaniko ko ay PRO99 Long life yung tig 2 liters na pink, 4 liters ang binili, medyo nagtatalo kami dahil ang advise nya sakin ay dapat mas marami daw ang coolant over water which I insist na dapat 50/50 lang ang mixture or less coolant lang dapat kasi hot weather naman tayo dito sa pinas, ano po ba talaga ang tamang mixture pag ganito? kasi from some forums I've read ay ang coolant pala ay for protection lang sa corrossion at hindi naman pala para palamigin ang temp natin lalo na sa lugar natin (pinas) so kung susummarize ko po ang lahat sa naiintindihan ko, kung hot weather tayo (which is lagi naman sa pinas) ay dapat less coolant and more distilled water lang dapat ang mixture or atleast 50/50 pero sabi ng mekaniko ko, dapat mas marami daw coolant sa mixture kasi magiging walang kwenta daw ang coolant pag konti lang ang coolant sa mixture? tama po ba ito? kasi parang baliktad ang naiintindihan ko sa mixture, kasi dati rin po, ang pagkakaintindi ko ay coolant for cooling pero baliktad pala kaya pala may anti freeze pa na sinasabi at karamihan pala sa mga lugar na malamig or with winter season ay gumagamit sila ng mas maraming coolant e kaso sa pinas lang po ako and kaya prediction ko ay dapat less coolant lang kasi mas nagpapainit pa ang coolant ng temp sa mga nababasa ko.. ano po kaya ang maadvice nyo? by the way, by monday na po kami magflushing ng tubig ng cooling system dahil walang work today (sunday) december 13, 2015, any advice will be very appreciated po.. really need some suggestions po.. Thanks

    By the way, Isuzu crosswind XUVI manual transmission po ang sasakyan ko Any advice narin po sana kung ilang liters ang capacity ng cooling system kasi wala po akong idea talaga.. baka po kasi magoverheat ang sasakyan kapag sinunod ko sinasabi ng mekaniko ko na dapat mas matapang o marami ang coolant over water..

    Badly need some suggestions po. Thanks in advance
    Last edited by JDCMAXTHEGREAT; December 13th, 2015 at 08:04 AM. Reason: added infos

Tags for this Thread

About coolant - water mixture (Please help me) flushing my cooling system