New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 6 of 6

Threaded View

  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    38
    #6
    Finally... i was able to solve the problem yesterday! and that after going to two repair shops to have it checked. In one shop, the mechanic said na okay daw yung ilalim na mga cables at since electrronic daw yung speedo, babaklasin nya yung assembly sa dashboard para pa-tingnan ng isang electronic technician baka daw mga diodes or something ang sira. Would take at least 1-1 1/2 days daw. buti na lang nagmamadali ako at hindi ko pinabaklas. itong mga mekaniko talaga, bakit hindi nalang nila sabihin kaagad na wala silang experience sa ganyang repair para hindi maaksaya ang oras natin, at gagastos pa tayo ng walang assurance na ma-repair....

    Anyways, kinontak ko yung bayaw ko sa Manila tungkol sa problema at tinawagan nya walco. Sabi nya baka sensor daw yung sira at ang bagong orig fuego sensor ay 4.4K daw. but yung para sa trooper ay kasya din naman at mas mura at 2.5k at ito daw yung kadalasan ginagamit ng mga fuego owners. may mabibili rin na surplus na mas mura pa, sabi nya. pinasuri kong mabuti yung ilalim ng fuego sa isang electrician kahapon at yun, nakita nya yung sensor na nakakabit sa rear axle, at parang dati na itong sira kasi tinalian lang ng masking tape. tinangal namin ang sensor at pagkatapos pina epoxy ko nalang kasi parang nabiyak yung plastic component (na may wires) na nakascrew dun sa parang bolt na may plastic gear na ipinapasok sa tyranny. i'm attaching pictures para mas maintindihan nyo ng mabuti. hope this helps truckster and other guys with similar problems. and thanks nga pala to ARB and rsnald for your feedbacks. sa ngayon, ayos na yung speedo at odo ko...

    ito yung pics taken at the right side near the rear right wheel...



    Last edited by Habagat_88; March 1st, 2007 at 11:59 AM. Reason: repairing link to images

Help po... speedometer & odometer problem isuzu fuego