
Originally Posted by
TAMSDep
Hello, mga Sirs, patulong naman dun sa problem ng hilander ko. Nabili ko ng 2nd hand few months ago, ok nung una takbo kaso lang ngayon eh namamatay engine sa idling (700-800 rpm). Pag nagbrake sa stop light at nagneutral ako, mag off pa rin engine. pero kung naka engage gear say sa 2nd at nakatapak sa clutch hindi mag off engine. Then, kung mag neutral na (kasi naka red light na) minsan mamatay pa rin. Pinalitan ko na fuel pump, fuel filter, pina baba ko na fuel tank, nilinis na fuel line. Ganoon pa rin. Tinest ang fuel injector kung may problem. Nag direct ng fuel supply from a plastic gallon without passing the fuel pump and fuel filter. ok naman. di nag off at pino ang takbo ng engine. Saan na kaya ang problem?? Gustong buksan ng mekaniko yung fuel injector eh mukhang ok nman. di nga nag off engine eh nung direct ang fuel supply. di kaya nahihirapan yung fuel injector na humigop kung may filter at pump?